Alex Gonzaga at Daddy Bonoy, kinaaliwan sa kanilang sagutan
- Matapos magkaparehos ang vlog nila ng kanyang mga magulang pabirong nagkomento si Alex Gonzaga
- Aniya ay kung alam niya lang na nanakawin ng BoPin channel ang kanyang content ay walang mabubuong ka-maintenance
- Ang salitang "Ka-maintenance" ang tawag nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa kanilang mga viewers sa kanilang BoPin channel
- Sagot naman ni Daddy Bonoy, hindi rin naman umano mabubuo si Alex kung hindi dahil sa kanila ng Mommy Pinty niya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang naaliw sa ibinahaging screenshot ni Alex Gonzaga sa Twitter kung saan ibinahagi niya ang palitan nila ng komento ng kanyang Daddy Bonoy. Matapos magkaparehos ang vlog nila ng kanyang mga magulang kamakailan, pabirong nagkomento si Alex Gonzaga.
Aniya, kung alam lamang daw niyang nanakawin lang ng BoPin channel ang kanyang content ay walang mabubong ka-maintenance. Ang salitang "Ka-maintenance" ang tawag nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa kanilang mga viewers sa kanilang BoPin channel.
Hirit naman ni Daddy Bonoy, "Di ka rin naman mabubuo kung wala kami ng mommy mo, wag kang ano jan"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ay mas sumikat nang magkaroon ng YouTube channel ang anak nilang si Alex Gonzaga na siyang nagtulak at nagkumbinsi sa kanila na pasukin na rin ang vlogging. Kahit baguhan pa lamang sila ay umabot na sa mahigit isang milyon ang kanilang mga subscribers at milyon-milyon din ang views ng kanilang mga binabahaging videos.
Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.
Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.
Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.
PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh