Dating Sea Games gold medalist, dinagsa ng tulong dahil kay Raffy Tulfo
- Natulungan ng programa ni Raffy Tulfo ang dating pulis at Sea Games gold medalist
- Dumulog sa kanilang programa ang anak nito gayung na-stroke at hindi na ito makagalaw sa loob ng ilang taon
- Bukod kay Tulfo, ang anak din iyang si Ralph ay nagpaabot ng tulong sa dating boksingero
- At dahil marami ang nakapanood ng episode na ito, may isang OFW na nagpadala rin ng tulong na labis na ipinagpasalamat ng anak ng dating gold medalist
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dinagsa ng tulong ang nagpakilalang Sea Games gold medalist noong 1979 sa larangan ng boksing na si Gil Jamili.
Nalaman ng KAMI na ang kanyang anak na si Katlia ang dumulog sa programa ni Tulfo para matulungan ang pagpapagaling ng kanyang ama.
Mula sa napagbentahan umano ng mga produkto ni Tulfo sa kanyang 'Idol Shopping Network,' nabigyan niya ang dating boksingero ng Php 55,000.
Ang anak naman niyang si Ralph Tulfo ay halos tapatan ang halagang naibigay ng ama na nagpaabot din ng Php45,000. Kaya naman may kabuuang halaga na Php100,000 ang naipaabot ng Raffy Tulfo in Action kay Gil na dati rin palang pulis.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa update ng kanyang anak na si Katlia, sinabing malaki ang pagbabago sa kanyang ama buhat ng matulungan ng mag-amang Tulfo.
Nagamit nila ang malaking halaga ng pera pagpapa-therapy session ni Gil. Kung dati ay hindi halos ito makagalaw, ngayon ay nakakahawak na raw ito ng mga bagay-bagay at unti-unti nang nakakakilos.
At dahil marami ang naantig ang puso sa sitwasyon ni Gil, isang OFW at guro sa China ang nagpaabot din ng tulong para sa dating boksingero.
Labis-labis naman itong ipinagpasalamat ng anak ni Gil at umaasa silang nalalapit na ang araw kung saan makagagalaw na muli ang kanyang ama.
Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga kilala at batikang news anchor sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Nito lamang Oktubre 2, pormal na naghain na ng certificate of candidacy si Raffy Tulfo. Ito ay isang araw matapos niyang mamaalam sa morning show niyang 'Idol in Action.' Ganoon din sa primetime news program niya na Frontline Pilinas na kanyang ibinilin sa ka-tandem na si Cheryl Cosim.
Source: KAMI.com.gh