Super Tekla, miss na miss na ang kanyang anak na si Airah

Super Tekla, miss na miss na ang kanyang anak na si Airah

- Isang mensahe ang iniwan ni Super Tekla sa Facebook post ng kanyang anak na si Airah

- Aniya ay miss na miss niya na ang anak at nabanggit din nito na tiniis talaga siya ng anak

- Gayunpaman, okay lang umano ito dahil nainiwala siyang hahanapin din siya ng anak isang araw

- Sumagot naman ang ina ni Aira na si Iryn at sinabing hindi siya matitiis ng anak kung naaalagaan at sinusuportahan nito ng tama si Airah

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami sa mga tagapanuod ng vlogs ng DonEkla in Tandem ang natuwa nang makasama sa mga vlogs ang anak ni Super Tekla na si Airah. Gayunpaman, sa mga huling mga videos ay hindi na nakakasama si Airah.

Super Tekla, miss na miss na ang kanyang anak na si Airah
Photo from SuperTeklah Librada
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, isang mensahe ang iniwan ni Super Tekla para sa anak.

Read also

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

i miss u langga tiniis Mo TLG si Daddy anu ge okay lng oneday hanapin mo rin ako halong pirme (ingat palagi)

Wala namang naging sagot si Airah sa komentong ito ng ama ngunit isang sad emoji ang kanyang naging reaction sa comment ni Tekla.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Super Tekla, miss na miss na ang kanyang anak na si Airah
Super Tekla (Screenshot from Theora Airah Gonzales FB)
Source: Facebook

Sinagot naman siya ng ina ni Airah na si Iryn Gonzales kung bakit ganoon ang kanilang anak.

D ka titiisin nang bata kung alam mo kung panu sya alagaan at suportahan,hind lng isa anak mo,

Matatandaang nitong nakaraang buwan ay naging abala si Tekla sa kanyang bunsong anak na si Angelo na tinamaan ng COVID.

Si Super Tekla ay isa sa mga sikat na komedyante ng Kapuso network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' kung saan katambal niya si Boobay at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Matatandaang matapos magsalita ng ilang tao na malapit kay Tekla tungkol sa akusasyon ng dating kinakasama, naglabas ng kanyang panig ang komedyante. Pinasinungalingan nito ang paratang ni Michelle.

Naibahagi rin ni Super Tekla ang kaganapan sa binyag ng anak niyang si Baby Angelo.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa. Hangad namin di sa KAMI na maayos na kung mayroon mang hindi pagkakaunawaan sa kanila.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel