Mygz Molino, napatawa nang husto sa mga hirit ni Super Tekla
- Matapos ang ilang linggong pananahimik ay marami ang natuwa na masilayang muli si Mygz Molino na kahit papaano ay nagagawa nang tumawa
- Sa isang video ni Super Tekla ay makikitang naroroon si Mygz habang inaayusan ang komedyante at naghahanda na para sa kanyang show
- Bilang isang komedyante, hindi naging mahirap kay Tekla na mapatawa si Mygz at aminado ito na doon lang uli siya nakatawa
- Matatandaang naging madamdamin ang pagkukuwento ni Mygz sa mga huling sandali ni Mahal bago ito tuluyang binawian ng buhay
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa isang live video ni Super Tekla ay nakausap niya si Mygz Molino habang inaayusan siya at naghahanda para sa kanyang show. Nabanggit ni Tekla na stressed si Mygz dahil sa mga nangyari.
Biro pa niya, kamukha niya umano dati si Mygz. Kaya pabiro din siyang tinanong ni Mygz kung anong nangyari.
Ani Tekla, nalingat lang siya kaya payo niya kay Mygz ay huwag umano siyang malingat. Dito na natawa si Mygz. Aminado si Mygz na iyon na lang daw uli ang pagkakataon na nakatawa siya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Mygz Molino ay isang vlogger na nakasama ng yumaong komedyanteng si Mahal Tesorero. Si Mygz ang ka-tandem nito sa mga vlog niya kaya naman labis itong naapektuhan sa pagkawala ni Mahal. Siya ang laging kasa-kasama ni Mahal sa mga raket nito kahit sa kanyang TV shows.
Matatandaang, taliwas sa lumabas na haka-haka, hindi sinisisi ng mga kapatid ni Mahal si Mygz sa m=nangyari sa kapatid nila. Bagkus ay malaki ang kanilang pasasalamat na naging masaya ang kanilang kapatid sa huling mga taon ng kanyang buhay kasama si Mygz at ang pamilya niya.
Hindi naman na nakadalo pa sa libing ni Mahal si Mygz dahil kinailangan nilang mag quarantine dahil sila ang close contact ni Mahal bago ito pumanaw dahil sa COVID.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh