AJ Raval, usap-usapan dahil sa kanyang Instagram post kasunod ng kanyang pag-amin

AJ Raval, usap-usapan dahil sa kanyang Instagram post kasunod ng kanyang pag-amin

- -Sa sa mainit na usapin sa kasalukuyan ang namumuong pagtitinginan nina AJ Raval at Aljur Abrenica

- Ito ay matapos diretsahang aminin ni AJ na nasa getting to know each other stage sila ng aktor at nanliligaw ito sa kanya

- Kasunod nito ay ang pagkalat ng mga pictures nilang magkasama na kuha ng mga netizens

- Naging usap-usapan din ang kanyang post sa kanyang IG Story kung saan tila dalawang kamay ang nagpapakita ng hugis puso

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para sa maraming netizens, mukhang nagkakamabutihan na sina AJ Raval at Aljur Abrenica. Ito ay matapos ang paglabas ng kanilang mga pictures na magkasama. Inamin na rin ni AJ sa isang panayam kamakailan ang tunay na namamagitan sa kanila ng aktor.

AJ Raval, usap-usapan dahil sa kanyang Instagram post kasunod ng kanyang pag-amin
AJ Raval
Source: Facebook

Aniya ay nasa getting to know each other stage sila at nanliligaw ang aktor. Gayunpaman, matapos nga lumabas ang video na magkahawak kamay ang dalawa, tila marami ang kumbinsidong may relasyon na ang dalawa.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Para sa ilan, pahiwatig na rin ang ibinahagi ni AJ sa kanyang IG Story kung saan dalawang kamay ang nagpapakita ng hugis puso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna na ring nasabi ni Kylie Padilla na hindi dapat gawing isyu kung makikipagdate si Aljur dahil nagkasundo na umano silang pwede silang makipag-date sa ibang tao matapos silang maghiwalay noong Abril.

Aniya, ayaw niya nang magbahagi ng mga detalye kaugnay sa paghihiwalay nila at nais niyang panatilihing pribado ang parte na ito ng kanyang buhay.

Ang mahalaga umano sa kanya at maayos ang kanilang dalawang anak na sina Alas at Axl.

Si AJ Raval ay anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval sa dating sexy actress na si Alyssa Alvarez. Unang nakilala si AJ sa kontrobersyal na pelikulang Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar ni Direk Darryl Yap.

Read also

Kylie Padilla, nilinaw na hindi si AJ Raval ang third party sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica

Kamakailan ay pinakita ni AJ Raval ang kanyang silid sa pamamagitan ng isang virtual tour na umani ng mahigit isang milyong views.

Hindi naman nagustuhan ng ama ni AJ ang kanyang daring na picture na kanyang ibinahagi sa Instagram.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel