Nag-viral na palaboy dahil sa husay niya sa pagkanta, natulungan ng isang vlogger

Nag-viral na palaboy dahil sa husay niya sa pagkanta, natulungan ng isang vlogger

- Nabigyan na ng tulong ang nag-viral na palaboy na mahusay kumanta

- Isang vlogger ang nagmalasakit na bigyan ito ng makeover at ipamili ng kanyang mga pangangailangan

- Bukod dito, maayos siyang pinakain at binigyan din siya ng vlogger ng tulong pinansyal

- Natunton na rin ang pamilya ng palaboy na siya na ngayong tinutuluyan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Natulungan na ang nag-viral na palaboy mahusay umawit na nakilalang si Kuya Jun.

Sa YouTube channel ng vlogger na si Boss Rey Vlogs, ipinakita kung paano nila natunton si Kuya Jun at kanilang sinundo para sa kanilang surpresa.

Napag-alaman nilang kumakanta pala talaga ito sa kanilang simbahan kaya naman ganoon na lamang ang husay niya sa pagkanta.

Nag-viral na palaboy dahil sa husay niya sa pagkanta, natulungan ng isang vlogger
Photo from Serbisyo Publiko News & Information Online
Source: Facebook

Una muna nila itong pinakain, niliguan saka pinagupitan ng buhok.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Kitang-kita ang malaking pagkakaiba sa itsura nito nang maliguan at mabihisan ng maayos na damit.

Bukod pa rito ipinamili rin siya ni Boss Rey ng mga grocery items para sa mga pang-araw araw niyang pangangailangan.

Sa kanilang pagbabalik sa tindahan kung saan siya natagpuang kumakanta nang siya ay mag-viral, muli itong pinakanta ngunit ngayon ay may maayos na itong damit at makikitang malinis na ito sa katawan.

Binigyan na rin siya ng tulong pinansyal ni Boss Rey at inihabilin ito sa may-ari ng tindahan at kumuha ng viral video para masigurong maayos ang kinakain sa araw-araw ni Kuya Jun.

Sa bagong update ng vlogger, ipinakitang natunton na rin nila ang kapatid ng viral singer na siyang nagkwento ng masalimuot nilang pinagdaanan kaya naman naging palaboy si Kuya Jun.

Narito ang kabuuan ng video na mayroon nang mahigit isang milyon na views:

Noong nakaraang linggo, nag-viral ang video ni Kuya Jun sa napakahusay na bersyon niya ng kantang 'Just Once' ni James Ingram.

Read also

Mura Padua, dinagsa ng kanyang mga fans sa kanilang bahay

Kamakailan din, nabigyan ng surpresang makeover ang isang tindero ng plastik mula sa isang hair stylist at matulunging vlogger na si Richard Strandz.

Mariing ipinapaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng kani-kanilang komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel