Jake Ejercito, ibinahagi ang nakakaaliw na palitan nila ng mensahe ni Ellie

Jake Ejercito, ibinahagi ang nakakaaliw na palitan nila ng mensahe ni Ellie

- Ibinahagi ni Jake Ejercito ang nakakaaliw na palitan nila ng mensahe ng anak niyang si Ellie Ejercito

- Kasalukuyang hindi magkasama ang mag-ama dahil bumalik na si Ellie sa kanyang Mommy na si Andi Eigenmann na nakatira sa Siargao kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak

- Sa nasabing screenshots ng pag-uusap nila ng anak, naikwento ni Ellie na makikita nila ang Olympic medalist na si Hidilyn Diaz

- Ani Jake ay minsan nagugulat siya kung gaano sila magkasingkaugali ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinaaliwan ng netizens ang ibinahagi screenshot ni Jake Ejercito kung saan makikita ang pag-uusap nila ng kanyang anak na si Ellie Ejercito sa isang messaging app.

Naibahagi sa kanya ni Ellie na makikita nila ng kanyang mommy at ng partner nitong si Philmar ang Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Jake Ejercito, ibinahagi ang nakakaaliw na palitan nila ng mensahe ni Ellie
Jake Ejercito at Ellie Eigenmann Ejercito (@unoemilio)
Source: Instagram

Hiniling ni Jake na ihingi siya ng autograph sa kaisa-isang Pinay Olympics Gold medalist. Ipinakita din ni Ellie ang picture niya kasama si Hidilyn.

Gayunpaman, nang tanungin siya ni Jake kung nakakuha siya ng autograph, sinabi nito na hindi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa kinaaliwan ng mga netizens sa kanilang mag-ama ay ang closeness nila at para lang silang magbarkada kung mag-usap.

Omg Nice one ellie you got it from your daddy
Ang cute niyong mag usap na mag ama
Nkkatuwa nman po Convo ninyo anak mo c Ellie,sarap sa feeling kht ako ganyan ako sa anak ko napopost ko dinmore love po sainyo mg ama

Si Jake Ejercito o Juan Emilio Ejercito sa tunay na buhay ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez. SIya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Kasama siya sa seryeng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Read also

Regine Velasquez, nawindang sa score nang kantahin ang sariling awitin sa karaoke

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya.

Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon.

Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel