AJ Raval, umalma sa pag-uugnay sa kanya kay Aljur Abrenica

AJ Raval, umalma sa pag-uugnay sa kanya kay Aljur Abrenica

- Naging usap-usapan si AJ Raval matapos iugnay ng mga netizens ang picture na ibinahagi ni Aljur Abrenica na umano'y kuha sa labas ng kanyang kwarto

- Sa isang video na kanyang ibinahagi ay pinakita ni AJ ang view sa labas ng kanyang silid

- Sa post naman ni Aljur ay makikita siyang may hawak na mug sa labas ng isang bintana

- Marami sa mga netizens ang nagsabing parehas na parehas umano ang background ni Aljur sa pinakitang view ni AJ sa labas ng kanyang kwarto at aniya ay edited daw ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inalmahan ni AJ Raval ang pag-uugnay sa kanya kay Aljur Abrenica matapos mag-post ni Aljur ng isang picture kung saan inihambing ng mga netizens ang background nito sa view sa labas ng kwarto ni AJ na kanyang naipakita sa isang vlog niya.

Read also

Madam Inutz, sinupla ang ex na nagmessage at nagsabing proud daw sa kanya

AJ Raval, umalma sa pag-uugnay sa kanya kay Aljur Abrenica
AJ Raval
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ni AJ ang post ng isang video na kuha sa kanyang vlog kung saan pinakita niya ang view ng kanyang kwarto. Karugtong ng maiksing video ay nilagay ang picture na ibinahagi naman ni Aljur kamakailan.

Sa comment section ng kanyang post ay "edited" ang sabi ni AJ.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod dito ay muli ding lumitaw ang isang lumang video kung saan naroroon si Aljur at AJ. Gayunpaman, hindi naman sila nakitang magkasama sa nasabing video at parehas lang silang nagperform.

Si AJ Raval ay anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval sa dating sexy actress na si Alyssa Alvarez. Unang nakilala si AJ sa kontrobersyal na pelikulang Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar ni Direk Darryl Yap.

Kamakailan ay pinakita ni AJ Raval ang kanyang silid sa pamamagitan ng isang virtual tour na umani ng mahigit isang milyong views.

Read also

Ivana Alawi at kapatid na si Amira, nakasama ang kanilang mama sa isang salon date

Hindi naman nagustuhan ng ama ni AJ ang kanyang daring na picture na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel