Dina Bonnevie, binisita ang kanyang bunsong apo kay Oyo Boy at Kristine Hermosa
- Ibinahagi ni Kristine Hermosa ang pictures ng kanyang biyenan na si Dina Bonnivie at ng hipag niyang si Danica Sotto na dumalaw sa kanila
- Ito umano ang unang pagkakataon na nakita ng kanyang biyenan ang bunsong anak na pinanganak niya nito lamang Agosto ng kasalukuyang taon
- Samantala, marami naman sa mga netizens ang nakapansin sa kagandahan nilang tatlo
- Agaw-pansin sa netizens ang ganda ni Kristine na anila ay blooming pa rin kahit halos isang buwan pa lang matapos nanganak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Masayang ibinahagi ni Kristine Hermosa na sa wakas ay nakasama nilang muli ang kanyang biyenan na si Dina Bonnevie. Kasama din ni Dina ang anak na si Danica Sotto sa kanyang pagbisita.
Ito umano ang unang pagkakataon na nakita ng kanyang biyenan ang bunsong anak na pinanganak niya nito lamang Agosto ng kasalukuyang taon. Samantala, marami naman sa mga netizens ang nakapansin sa kagandahan nilang tatlo.
Agaw-pansin sa netizens ang ganda ni Kristine na anila ay blooming pa rin kahit halos isang buwan pa lang matapos nanganak:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Grabi sobrang ganda ni Kristine khit walang make up or filter ung cam lutang ang ganda.
Iba talaga ang beauty ng isang Kristine Hermosa!
Bakit ang ganda mo parin kahit bagong panganak?
Si Kristine Hermosa ay pangalawa sa apat na magkakapatid. Ang apelyidong kanyang ginagamit ay Hermosa na mula sa kanyang ina.
Ikinasal siya kay Diether Ocampo noong September 21, 2004 ngunit hindi ito gaanong tumagal matapos itong ma annul noong January 30, 2009.
Muli siyang ikinasal kay Oyo Boy Sotto noong January 12, 2011 at nabiyayaan ng limang anak.
Kamakailan ay ipinaalam ni Kristine ang tungkol sa isang Facebook account na gumagamit sa kanyang pangalan at litrato. Ipinagbigay-alam niya ito sa mga netizens upang magsilbing babala.
Samantala, ibinahagi din kamakailan ni Kristine ang pagiging maalaga ni Oyo sa kanilang bunsong anak.
Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao. Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao.
Source: KAMI.com.gh