Sofia Andres, pinakita ang mini kitchen sa kanyang kwarto

Sofia Andres, pinakita ang mini kitchen sa kanyang kwarto

- Muling ipinakita ni Sofia Andres ang kanyang kwarto matapos ang kanyang pagpapagawa nito

- Kabilang sa makikita sa kanyang kwarto ay ang isang mini kitchen kung saan meron siyang cofee station at mini ref

- Matatandaang naipakita niya rin ito sa isa niyang vlog ngunot hindi pa ito tapos sa naunang video na kanyang ibinahagi

- Aniya, mas gusto niya ang kulay na hindi masyadong matingkad dahil nagugulo umano ang isip niya kapag masyadong maraming kulay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinasilip ni Sofia Andres ang kanyang kwarto matapos ang kanyang pagpapagawa. Matatandaang naipakita niya rin ito sa isa niyang vlog ngunit hindi pa ito tapos sa naunang video na kanyang ibinahagi.

Sofia Andres, pinakita ang mini kitchen sa kanyang kwarto
Sofia Andres (@iamsofiaandres)
Source: Instagram

Karamihan sa kanyang mga ibinahaging detalye sa design ng kanyang kwarto ay base sa kanyang gusto. Naging involved siya sa pagde-design ng kanyang kwarto at base sa kanyang pahayag ay nag-uusap sila ng kanyang interior designer pagdating sa mga designs.

Kabilang sa makikita sa kanyang kwarto ay ang isang mini kitchen kung saan meron siyang cofee station at mini ref.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng kanyang mga fans.

Beautiful room for a beautiful lady! so classy.. next vlog idea ummm shoes and bags collection.. a day with Zoe ❤️ jojowain o totropahin with Daniel can't wait for your next vlog.. Stay safe always.. God bless you and your family.. ignore the haters.. stay happy and continue with the positive vibes.. will support you always
One of the prettiest room I've seen/watched! I love this vlog. Pwede po shoe collection, bag collection and how you do your make up. Looking forward for more of your vlogs Ms. Sofia. God bless and keep safe!
Super cozy ng room ni Sofia. Classy and at the same time my character

Si Sofia Andres ay isang aktres at commercial model. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga palabas kagaya ng She's Dating the Gangster, Relaks, It's Just Pag-Ibig, Forevermore, Pusong Ligaw at Bagani.

Kamakailan ay naiulat ng KAMI ang tungkol sa pag-viral ng video ng anak ni Sofia na kumakanta ng "Dada."

Kamakailan ay pinasok na rin ni Sofia ang pag-vlog. Isa sa una niyang video na ibinahagi ay ang kanilang family getaway kasama ang kanyang mag-ama.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel