Madam Inutz, nahiya na umano sa kanyang manager dahil solo niya ang kanyang kita

Madam Inutz, nahiya na umano sa kanyang manager dahil solo niya ang kanyang kita

- Ayon kay Madam Inutz, sa lahat ng dumating na trabaho sa kanya simula nang maging manager niya si Wilbert Tolentino, sa kanya lang napunta lahat ng kanyang kita

- Wala umanong kinukuha si Wilbert sa lahat ng kanyang mga kinita kagaya ng kanilang napag-usapan

- Ayon pa kay Madam Inutz, nahihiya na siya sa kanyang manager gayunpaman, abot-abot ang kanyang pasasalamat

- Puring-puri niya rin ang kanyang manager dahil sa pagiging mabait nito at matulungin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Madam Inutz na sa dami ng kanyang mga naging trabaho simula nang maging manager niya si Wilbert Tolentino, sa kanya lang napunta lahat ng kita niya. Hindi umano kumuha ang kanyahng manager ng porsiyento mula sa kanyang kita.

Madam Inutz, nahiya na umano sa kanyang manager dahil solo niya ang kanyang kita
Madam Inutz (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Aniya, nahiya na siya kay Mamshie Wilbert ngunit abot-abot ang kanyang pasasalamat dahil sa lahat ng tulong na ginawa sa kanya ng kanyang manager.

Read also

Virgelyncares, natulungan ang nagpakilalang naitampok ang life story sa MMK

Aniya, kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay magtatrabaho siya nang libre para sa kanyang manager. Maging ang vlogger na si Angelica Jane Yap o mas kilala bilang si Pastillas girl ay puring-puri din si Wilbert sa kabaitan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapamanage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate