Toni Gonzaga, 'di kinaya ang spaghetti recipe ni Mommy Pinty: "Parang di masarap 'yung akin"

Toni Gonzaga, 'di kinaya ang spaghetti recipe ni Mommy Pinty: "Parang di masarap 'yung akin"

- Nagkaroon ng makulit na cooking challenge sina Mommy Pinty at si Toni Gonzaga sa channel ni Alex Gonzaga- Morada

- Ni-Remake ni Toni ang spaghetti ng kanyang Mommy Pinty at may twist dahil may ingredient siyang hindi nilagay

- Nang ipa-taste test na nila ito sa pamilya, nagwagi pa rin ang spaghetti recipe ni Mommy Pinty

- Maging si Toni ay hindi kumbinsido sa kinalabasan ng kanyang "spaghetti ala-Toni"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang naaliw sa makulit na cooking challenge nina Mommy Pinty at Toni Gonzaga sa YouTube channel ni Alex Gonzaga.

Kwento ni Alex, matatandaang unang nagkaroon ng spaghetti cooking session si Mommy Pinty ilang taon na ang nakalipas kaya naman ngayon, si Toni ang nasa kusina para sa 'upgraded' version ng spaghetti ng kanilang Mommy Pinty.

Toni Gonzaga, 'di kinaya ang spaghetti recipe ni Mommy Pinty: "Parang di masarap 'yung akin"
Toni Gonzaga kasama ang kanyang husband na si Paul Soriano (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Ayon kay Toni, hindi na siya gumamit pa ng hotdog tulad ng ginagawa ng kanyang Mommy Pinty.

Read also

Rob Moya, nakaharap na sina Tatay Elon at Tito Vince sa ToRo Condo

Sa kanya, carrots at mushroom ang kanyang idinagdag gayundin ang all-purpose cream.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napansin ni Alex na tila walang measurements ang mga ingredients ni Toni.

"Alam mo walang sukat 'to e, depende, basta 'yan lang yung mga ingredients," ayon kay Toni na sinang-ayunan naman ni Mommy Pinty.

At nang pinapili na nila ang bawat family member nila kung kaninong spaghetti ang mas masarap, kay Mommy Pinty pa rin ang nagwagi.

Maging si Toni kasi ay hindi kumbinsido sa kinalabasan ng kanyang spaghetti.

"Parang hindi masarap 'yung akin. Hindi ako nasarapan sa gawa ko!"

Narito ang kabuuan ng makulit na video mula sa Alex Gonzaga Official YouTube channel:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Read also

DonEkla, nawindang sa bundle-bundle na perang nakita sa bag-raid kay Sir Wil

Kamakailan, naging matunog ang pangalan ni Toni sa social media matapos ang kontrobersyal niyang panayam kay Bongbong Marcos sa kanyang YouTube channel na 'Toni Gonzaga Studios'.

Isang linggo lamang matapos ito, nakapanayam naman ni Toni si Senator Manny Pacquiao. Ito ay matapos na ihayag ni Pacquiao ang desisyon niya na tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa gaganaping eleksyon sa taong 2022.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel