Thank you letter at 'tip' ng COVID survivor sa mga frontliners, umantig sa puso ng marami

Thank you letter at 'tip' ng COVID survivor sa mga frontliners, umantig sa puso ng marami

- Umantig sa puso ng marami ang liham na iniwan ng isang COVID-19 survivor para sa mga frontliners

- Nagpasalamat ito sa serbisyo at pagmamalasakit na ipinimalas ng mga frontliners at staff ng hotel na kanilang tinuluyan bilang quarantine facility

- Bukod sa liham, nag-iwan pa ng tip ang naging pasyente bilang pasasalamat

- Labis namang naantig ang puso ang natuwa ang mga frontliners ng 'di nagpakilalang pasyente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakapawi sa labis na hirap at pagod na nararamdaman ng mga frontliners ang ang liham ng COVID survivor na nagpakilala lamang gamit ang room number na kanyang tinulungan.

Nalaman ng KAMI na nag-iwan ng thank you letter ang naging pasyente para sa frontliners at staff ng tinuluyang quarantine facility sa Angles City.

Sa liham hindi lamang pinasalamatan ng dating pasyente ang mga taong nagbigay serbisyo at nagmalasakit sa kanya kundi binigyang pagpapahalaga niya ito at pinalakas ang loob.

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

Thank you letter at 'tip' ng COVID survivor sa mga frontliners, umantig sa puso ng marami
Medical frontliners (Photo from Pixabay)
Source: Facebook
"My pleasure to write a letter to all of you. We would like to extend our gratitude to all [your] sacrifices, efforts and time"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Amidst this pandemic, you are still doing your work to help COVID-19 patients," bahagi ng liham ng pasyente mula sa 'Room 308.'

Kalakip pa ng liham ay ang tip na Php150 para sa mga frontliners ng Rafael Lazatin Memorial Medical Center na hindi nagdalawang-isip na alagaan sila hanggang sa sila ay gumaling.

Narito ang kabuuan ng liham na naibahagi ng City Information Office Angeles City:

Kamakailan, isang post ang umantig sa mga puso ng netizens kung saan ilang mga nurse ang naghanda ng surpresa para sa isang COVID-19 patient na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Gayundin ang isang doktora na matapos na apat na beses tamaan ng COVID-19 sa loob ng isang taon ay patuloy pa rin na bumabalik sa serbisyo.

Subalit sa kabila ng kanilang hindi matatawarang serbisyo at pagsasakripisyo, naibahagi rin ng ilang nurse ang kakulangan umano sa mga benepisyong kanilang natatanggap sa pakikipagsapalaran laban sa COVID-19.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: