Barbie Forteza, ibinahagi ang karanasan sa pagpaparehistro para maging botante

Barbie Forteza, ibinahagi ang karanasan sa pagpaparehistro para maging botante

- Ibinahagi ni Barbie Forteza na kagaya ng mga nais magparehistro para maging botante, maaga siyang pumunta sa venue upang pumila

- Alas 4:00 ng umaga siya pumila at masaya niyangibinahaging rehistrado na siya at pwede nang bumoto sa parating na halalan

- Ibinahagi niya rin ang kanyang litrato habang nasa pila at naghihintay na nakaupo sa gilid ng daan

- Hinimok niya rin ang publiko na humabol para magparehistro para makaboto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Barbie Forteza ang kanyang picture habang nasa pila para sa pagpaparehistro niya para maging botante para sa darating na halalan.

Aniya, alas 4:00 ng umaga siya nagsimulang pumila at masaya niyang ibinahagi na rehistrado na siya. Hinimok niya rin ang publiko na humabol sa pagpaparehistro.

Barbie Forteza, ibinahagi ang karanasan sa pagpaparehistro para maging botante
Barbie Forteza (@barbaraforteza)
Source: Instagram

Kapansin-pansin sa isang litrato na kanyang ibinahagi na nakaupo siya sa gilid ng daanan kasama ang iba ding nakapila. Maaring dahil sa facemask at face shield na suot niya ay hindi siya namukhaan at hindi pinagkaguluhan.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang humanga matiyagang pagpila ni Barbie:

Worth it lage pag nag aantay. Congrats madam. Nakaka-proud naman walang kaarte-arte nka upo lang sa gilid. Peru yung iba gusto magpa register online dpt registered agad. Ito talaga dapat tularan grabe.
Natatawa ako sa second pic napaka simpleng tao lang kung titignan pero artista pala hahaha galing di napansin ng mga tao.
Wow! Walang kaarte arte ms.barbie. Talagang nagtyaga ka din pumila. Napahanga mo kami lalo!

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at marami pang iba.

Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptation ng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Apat na taon nang magkarelasyon sina Barbie at Jak. Gayunpaman, hindi sila nakakaligtas sa mga pang-iintriga kagaya ng iba pang mga showbiz couples. Kamakailan nga ay inalmahan ni Barbie ang fake news na hiwalay na umano sila ni Jak.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel