Donnalyn Bartolome, emosyonal sa kanyang unboxing video: "Salamat po talaga!"

Donnalyn Bartolome, emosyonal sa kanyang unboxing video: "Salamat po talaga!"

- Ibinahagi ni Donnalyn Bartolome ang unboxing niya ng mga regalo na kanyang natanggap sa kanyang kaarawan

- Ilan sa mga nabanggit niyang nagbigay ng mga nabuksang regalo ang malalapit niya na kaibigan na sina Zeinab Harake at Jelai Andres

- Maging ang aktres na si Anne Curtis ay nagpadala rin ng regalo kay Donnalyn at hindi siya agad naniwala

- Ilang sa mga regalong kanyang natanggap ay nagpaluha sa kanya dahil sa mga kwentong nasa likod ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging emosyonal si Donnalyn Bartolome sa pagbubukas ng mga birthday gifts mula sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Nalaman ng KAMI na inulan ng mga bonggang regalo si Donnalyn at kitang-kita talaga sa kanyang mga mata ang pagkasurpresa at saya sa mga natanggap.

Ilan sa mga nabanggit niyang nagbigay ay ang malalapit niyang kaibigan at kapwa YouTuber na sina Zeinab Harake at Jelai Andres.

Read also

Isko Moreno, patuloy ang umano'y patutsada sa politika: "Forward, not backward"

Donnalyn Bartolome, emosyonal sa kanyang unboxing video: "Salamat po talaga!"
Donnalyn Bartolome (Photo: @donna)
Source: Instagram

Maging ang aktres na si Anne Curtis ay nagpadala rin ng regalo para kay Donnalyn na hindi niya agad pinaniwalaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula sa bracelet, mamahaling relo mamahaling bag at iba pang mga bagay na ninanais ni Donnalyn ay kanyang natanggap para sa kanyang kaarawan.

"I wonder what I did right to deserve all of these," ani Donnalyn.

Ngunit ang nakapagpaluha sa kanya ay ang regalo na mula sa pinasalamatan niyang sina "Kyla, Paulo at Jazmyne."

Doon niya naikwento ang tungkol sa una niyang single na "LM4M" na ang ibig sabihin ay 'Love Me for Me.'

Mahalaga ang naturang single kay Donnalyn dahil iyon ang naging dahilan upang magkaroon siya ng sarili niyang pera noong panahon na masasabi niyang walang-wala na siya.

"Ang song na LM4M 'yung reason why nagkaroon ako ng pera noong walang-wala na ako."

Read also

Kylie Padilla, nilinaw na hindi si AJ Raval ang third party sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica

"Sobrang nakaka-emo ng LM4M kasi 'nung nagsisimula ako nun, wala akong pera 'nun."

"Iniisip ng mga tao na may pera ako simula bata pa ako but that's my parents' money. Umalis kasi ako sa poder nila so I can pursue this," paliwanag ni Donnalyn habang siya ay umiiyak.

Kaya labis niyang pinagpapasalamat ang kanyang mga fans na sumuporta na sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya.

"Dapat happy lang to e, pero salamat po talaga," pabiro pang sinabi ni Donnalyn.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang naging emosyonal din si Donnalyn nang ibahagi niya ang kwento bago niya nakamit ang kanyang pinakaunang sportscar.

Minsan din niyang pinakilig ang mga fans ng kapatid ni Ivana Alawi na si Hashim nang maging personal assistant siya nito sa isang vlog.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica