Ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez, pumalag sa komento ng netizens sa anak

Ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez, pumalag sa komento ng netizens sa anak

- Pinutakti ng bashers ang isang TikTok post ng ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez

- Makikita sa kanyang post na kasama niya sa mga pictures ang aktor na si Aljur Abrenica

- Base sa kanyang comment, nakasama niya lamang umano ang aktor sa isang event kung saan nag-host siya

- Matatandaang naiugnay si AJ kay Aljur at nilinaw ni Kylie Padilla na wala naman nang problema sakaling mag-date si Aljur ng ibang babae dahil matagal na silang hiwalay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagkakaugnay kay AJ Raval kay Aljur Abrenica, nabigyan ng kulay ng ilang netizens ang bawat post na may kaugnayan sa aktor. Kabilang na sito ang TikTok post ng kanyang inang si Alyssa Alvarez.

Ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez, pumalag sa komento ng netizens sa anak
AJ Raval
Source: Facebook

Sa isang TikTok post ni Alyssa, makikitang nakasama niya ang aktor na si Aljur Abrenica. Ilang netizens ang iniugnay ito sa isyu na nagkakamabutihan na ang dalawa.

Read also

Dating OFW na sinuwerte sa amo, pinamanahan pa siya ng milyon-milyong salapi

Isang natizen ang nagsabing mas maganda si Kylie Padilla kaysa kay AJ.

Sinagot ito ng ina ni AJ na wala naman sa kanyang post ang kanyang anak, bakit ito nadamay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base naman sa kanyang komento sa nasabing post, nakasama lamang umano niya ang aktor sa isang event kung saan siya ang nag-host.

Matatandaang matapos maiugnay si AJ kay Aljur at nilinaw ni Kylie Padilla na wala naman nang problema sakaling mag-date si Aljur ng ibang babae dahil matagal na silang hiwalay.

Wala pang nilalabas na statement ang kampo nina AJ at Aljur kaugnay sa isyung ito.

Si AJ Raval ay anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval sa dating sexy actress na si Alyssa Alvarez. Unang nakilala si AJ sa kontrobersyal na pelikulang Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar ni Direk Darryl Yap.

Read also

Ivana Alawi, handang ubusin ang pera gumaling lang ang kapatid na si Mona Alawi

Kamakailan ay pinakita ni AJ Raval ang kanyang silid sa pamamagitan ng isang virtual tour na umani ng mahigit isang milyong views.

Hindi naman nagustuhan ng ama ni AJ ang kanyang daring na picture na kanyang ibinahagi sa Instagram.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel