Irene Tesorero, mabigat ang loob dahil nagkasamaan sila ng loob ni Mahal

Irene Tesorero, mabigat ang loob dahil nagkasamaan sila ng loob ni Mahal

- Sa isang panayam ni Boy Abunda sa kapatid ng yumaong komedyanteng si Mahal Tesorero, naikwento nito ang kanilang huling pag-uusap ni Mahal

- Nagkasamaan umano sila ng loob dahil sinabihan niya si Mahal na umuwi na lamang muna sa pamilya nila

- Ito ay dahil nag-aalala siya sa kalagayan nito dahil sa pagluluksa sa pagkawala ng kanilang ama nito lamang Agosto

- Ayon sa kanya, nagkakasakit ito kapag naiistress kaya mas gusto niya sanang kasama nito ang pamilya nila para sa kapakanan din nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang panayam ni Boy Abunda sa kanyang YouTube channel na The Boy Abunda Talk Channel, aminado ang kapatid ni Mahal Tesorero na si Irene Tesorero na mabigat ang kanyang loob sa pagpanaw ng kanyang kapatid. Ito ay dahil hindi pa sila nabigyan ng pagkakataong magkausap matapos ang kanilang tampuhan.

Read also

Bagong girlfriend ni Rob Moya, sinamahan ni Toni Fowler magpaganda

Irene Tesorero, mabigat ang loob dahil nagkasamaan sila ng loob ni Mahal
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Matapos mamatay ang kanilang ama noong Agosto, grabe ang pagluluksa ni Mahal. Ayon sa kanyang kapatid, nagkakasipon ito kapag na-iistress kaya sinabihan niya itong bumalik na lamang muna sa kanilang pamilya upang mabigyan siya ng pag-aalaga ng kanyang pamilya na mas kabisado kung paano siya alagaan kapag nagkakasakit siya.

Gayunpaman, nagpapasalamat umano siya kay Mygz sa pag-aalaga nito kay Mahal.

Aniya, kung maibabalik lang niya ang linggo bago nangyari ang kanilang di pagkakaunawaan, hindi na lang daw sana siya nagsalita at hindi niya na lang sinabi ang mga bagay na kanyang sinabi kay Mahal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, malamang ay hindi magiging ganoon kabigat ang kanyang pakiramdam kung hindi sila nagkatampuhan.

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Read also

Aktwal na video ng pagdalaw ni Mygz sa puntod ni Mahal, umantig sa mga netizens

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel