Vlogger sa Amerika, natagpuang patay; fiancé, hinahanap na ng pulis
- Si Gabby Petito, isang 22-anyos na vlogger, ay natagpuang patay sa Grand Teton National Park, Wyoming
- Ang vlogger ay ilang linggo nang nawawala bago matagpuan ang kanyang katawan
- Siya ay biglang nawala matapos mag-camping kasama ang kanyang boyfriend at fiancé na si Brian Laundrie
- Mula sa camping, umuwi si Brian sa kanyang mga magulang mag-isa dala-dala ang van na pag-aari ni Gabby
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isang 22-anyos vlogger sa Amerika na nagngangalang Gabby Petito ang natagpuang patay sa Grand Teton National Park, Wyoming.
Ilang linggo nang nawawala si Gabby bago matagpuan ang kanyang katawan. Nawala si Gabby matapos mag-camping kasama ang kanyang boyfriend at fiancé na si Brian Laundrie, ayon sa ABC News.
Noong September 1, umuwi si Brian sa kanyang mga magulang mag-isa dala-dala ang van na pag-aari ni Gabby. Hindi rin nakipag-cooperate si Brian sa mga pulis noong panahong hinahanap pa nila si Gabby.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ngayon ay wala na si Brian sa bahay nito at hindi na alam ng pulis ang kanyang kinaroroonan.
Sa report ng AP News, pinasok na ng mga awtoridad ang bahay ni Brian. Kinuha ng mga pulis ang ilang boxes pati ang isang kotse sa nasabing bahay.
Bago pa tuluyang mawala si Gabby, nakausap pa sila ng mga pulis matapos silang makita na nagtatalo sa kanilang van. Base sa bodycam footage ng pulis, umiyak si Gabby habang nagpapaliwanag na nasaktan niya ang kanyang boyfriend habang nag-aaway sila.
Nakikiramay ang KAMI sa mga kaibigan at pamilya na naulila ni Gabby Petito.
Sa taong 2021, may ilan nang public figures ang namaalam ng maaga. Sa tuwing ito ay nangyayari, maraming tao ang nagluluksa at nagdadalamhati.
Isa na rito ay ang komedyanteng si Mahal Tesorero. Pumanaw si Mahal ilang linggo na ang nakakaraan matapos siyang mag-positibo sa COVID-19.
Nito namang Hunyo, nagulat ang buong bansa ng namatay si Noynoy Aquino, dating pangulo ng Pilipinas at kapatid ni Kris Aquino. Namatay si Noynoy sa edad na 61 matapos ang pakikipaglaban sa kidney disease at diabetes. Hindi nakapunta sa scheduled dialysis session si Noynoy Aquino bago ang kanyang pagpanaw.
Source: KAMI.com.gh