Julia Montes, ibinahagi ang kanyang bagong workout video

Julia Montes, ibinahagi ang kanyang bagong workout video

- Isang workout video ang ibinahagi ni Julia Montes sa pamamagitan ng isang Instagram post

- Bukod sa pagtakbo sa treadmill ay nakasuot din ang aktres ng corset kaya kitang-kita ang kanyang mas maliit na bewang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Simula nang bumalik sa pag-arte ang aktres sa pamamagitan ng Ang FPJ's Ang Probinsiyano ay tila pursigido ito sa kanyang pagwo-workout

- Marami naman ang nakapansin sa pagbabago sa kanyang pangangatawan simula nang umpisahan niyang mag-workout

Nagbunga ang pagiging pursigido ni Julia Montes sa kanyang pagwo-workout at kitang-kita ito ng kanyang mga tagahanga sa kanyang ibinahaging maiksing video kung saan makikita siyang tumatakbo sa treadmill.

Julia Montes, ibinahagi ang kanyang bagong workout video
Julia Montes (@montesjulia08)
Source: Instagram

Marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagbabago sa kanyang pangangatawan simula nang umpisahan niyang mag-workout.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Mura, ibinahaging nagpacheck-up siya dahil sa kanyang karamdaman

Kasalukuyang napapanood si Julia sa Ang FPJ's Ang Probinsiyano at ito ang nagsilbing unang teleserye niya simula nang bumalik siya mula sa kanyang bakasyon sa ibang bansa noong taong 2019.

Si Julia Montes o Mara Hautea Schnittka sa totoong buhay ay isang aktres na may lahing German. Nag-umpisa ang kanyang karera sa showbiz nang mapabilang siya sa youth oriented gag show na "Goin' Bulilit". Bumida din siya sa ilang mga teleserye kagaya ng "Mara Clara", "Asintado" at "Doble Kara".

Hindi tinatago ng aktres ang kanyang pagsuporta sa napapabalitang karelasyon sa muling pagbabalik ng FPJ's Ang Probinsiyano matapos matigil ang pagpapalabas nito kaugnay sa naganap na lockdown at pati na rin ng pagkabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Walang pag-amin o pagtanggi mula sa kanila kaugnay sa balitang lumabas na diumano'y nagkaroon na sila ng anak at hindi pa lamang nila umano isinasapubliko ang tungkol dito.

Read also

Camille Trinidad, hindi napigilan ang emosyon nang matanong tungkol sa kasalanan sa kanya ni Jayzam Manabat

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate