Lumang panayam ni Kris Aquino kay Bongbong Marcos, muling naging usap-usapan
- Muling naging usap-usapan ang panayam noon ni Kris Aquino kay Bongbong Marcos sa RPN noong dekada '90
- Ito ay kasunod ng pag-trending ng panayam ni Toni Gonzaga kamakailan kay Bongbong kamakailan
- Naging maayos naman ang kanilang pag-uusap sa nasabing panayam kung saan naitanong din ni Kris ang ilang bagay na may kinalaman sa kanilang mga ama
- Matatandaang umani ng samu't-saring reaksiyon ang panayam ni Toni kamakailan at nag-trending pa ito sa YouTube
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kasunod ng pag-trending ng panayam ni Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos kamakailan na pinalagan ng ilang hindi pabor sa panayam na ito ni Toni, muling naging usap-usapan ang panayam ni Kris Aquino kay Bongbong noong dekada '90 sa RPN.
Naging hati naman ang opinyon ng mga tao kaugnay sa dalawang panayam na ito nina Kris at Toni.
Mayroong nagsasabing magkaiba ito di dapat ihambing:
This interview is different from Toni's interview. Verybauthentic and wala need ipromote. Yung key Toni at that kris 25 yrs ago di pa uso ang internet very raw entertaining and spontaneous
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Queen of all media nga siya kaya trademark ni kris yan kung bkit ganun siya mag interview walang rude o disrespectful na galawin si kris ,its her style kaya nga sumikat siya at binansagan siya kahit sino interviehin ganyan talaga siya mag interview.
Maron din namang napansin ang husay ni Bongbong sa pagsasalita kahit noon pa man.
Here after Toni’s vlog interview with BBM. What I consistently hear & see is the brilliance and classy character of BBM as well as his steadfast stand for unity & respect to opposing views. Come to think of it, this happened over 25 years ago!
This is such a rare and fantastic exchange. They're natural conversationalists. Both are brilliant and smart, although Bong-bong probably has a wider academic and practical view of politics.
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.
Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.
Matatandaang inalmahan ni Ogie Diaz ang pinapakalat na balita tungkol sa anak ni Kris na si Joshua.
Diretsahan ding sinupalpal ni Kris ang lumabas na balitang nakipag-date umano siya.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh