JaMill, nakaharap ang sinasabing kamukha ni Camille Trinidad
- Sa kanilang pag-guest sa programang 'Kapuso Mo Jessica Soho', nakaharap sa wakas nila Camille Trinidad at Jayzam manabat ang sinasabing kamukha ni Camille
- Ito ang kinilalang si Mareng Camille na mula sa Tacloban na unti-unti na ring sumisikat sa pag vlog
- Si Erika naman ay nagpapasalamat kina Camille at Jayzam dahil naging daan ito para makilala siya
- Pati ang tattoo ni Camille sa kanyang braso ay pina-tattoo din ni Erika sa kanyang braso
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Napawi ang pag-iyak ni Camille Trinidad dahil sa tanong tungkol sa nagawang kasalanan ni Jayzam nang ipakausap sa kanila ni Jayzam ang nagpapakilalang "Pagod na Camille."
Ito ay si Erika na mula sa Tacloban. Nagpapasalamat umano siya nang sobra sa dalawa dahil nagkaroon siya ng confidence dahil sa magkasintahan.
Napansin din nila na pati ang tattoo ni Camille sa kanyang braso ay pina-tattoo din ni Erika sa kanyang braso.
Camille Trinidad, hindi napigilan ang emosyon nang matanong tungkol sa kasalanan sa kanya ni Jayzam Manabat
Humina din ang kanyang negosyo dahil sa pandemya kaya naman nagbigay ng payo at pampalakas ng kanyang loob si Camille.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Na-inspire umano si Erika sa tambalang Jamill kaya siya nag-vlog. Tutulungan naman umano nila si Erika pagdating sa pag vlog.
Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:
Sa bawat relasyon, may mga pagsubok talaga na darating na dapat natin makayanan at malagpasan upang ito ay ang maging inspirasyon at pundasyon para mapagtibay pa ang inyong pagmamahalan.
Ayusin nyu nlng magkaron kayo ng masayng pamilya sayang ung mga bagay n naumpisahan nyu n at saka tulong minsan content nyo pra matuwa lalo ung iba..
Ang tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.
Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.
Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.
Nais paalalahanan ng KAMI ang aming tagasubaybay na kaakibat ng ating kalayaan sa pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung ang pahayag ay makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay iwasan ang paggamit ng mga mapanirang pahayag. Palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, at wala ding mali sa pagpapahayag ng saloobin ukol sa isang paksa.
Source: KAMI.com.gh