Mga buntis sa lying-in clinic, kinagiliwan dahil sa kanilang 'labor TikTok dance'

Mga buntis sa lying-in clinic, kinagiliwan dahil sa kanilang 'labor TikTok dance'

- Viral ngayon ang video ng ilang mga buntis na nakuha pang mag-TikTok bago manganak

-Makikitang ito raw umano ay sa JAM Lying-in Clinic kung saan, strategy nila iyon upang mas mapadali ang panganganak ng mga buntis

- Isa rin ito sa kanilang paraan para ma-relax ang mga buntis at 'di masyadong indahin ang sakit ng pagli-labor

- Natuwa rin naman ang mga netizens na nakapanood ng video ng mga buntis na tila nai-enjoy naman ang kanilang pagsasayaw

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinagiliwan online ang mga buntis na nagagawang pa rin na mag-TikTok bago manganak.

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa technique ng Jam lying-in clinic, Rizal upang mapabilis ang pangangak ng mga buntis.

Makikitang game na game ang mga mommy sa paghataw sa iba't ibang mga TikTok dance.

Read also

Vlogger Whamos Cruz, ipapa-lie detector test ni Raffy Tulfo

Mga buntis sa lying-in clinic, kinagiliwan dahil nakuha pang mag-TikTok bago manganak
Mga buntis sa lying-in clinic, kinagiliwan dahil nakuha pang mag-TikTok bago manganak (Photo credit: PartJun Pacomios Pontillo)
Source: Facebook

Sa ganitong paraan, imbis na maglakad-lakad lang ang nagli-labor na buntis, nag-eenjoy pa raw ito sa pagti-TikTok.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mabisa raw itong paraan para maging normal ang delivery ng mga buntis.

Samantala, maging ang mga netizens ay naaliw sa ginagawa ng mga mommy. Ang ilan, inalala pa mismo ang kanilang experience sa pagli-labor bago isilang ang kanilang mga anak.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Saan po itong lying-in clinic na ito, parang bet ko diyan manganak"
"Ang kulit ng mga mommies, siguro 'pag labas ni baby mapapa-TikTok din"
"Tama po 'yan. Dati lakad lakad lang, ngayong TikTok muna. Sana may TikTok na noong panahon na nanganak ako"
"Nakakatuwa naman ang mga mommies na ito. At least relax sila bago manganak."
"Why not! Sana ngayon ako nanganak kung kailan uso na ang TikTok, sasayaw din talaga ako"

Read also

Vlogger Kim Whamos Cruz, ipina-Tulfo ng dalawang babaeng TikToker

Narito ang video na binahagi ng netizen na si PartJun Pacomios Pontillo:

Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.

Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.

Nito lamang Hulyo, isang lying-in clinic din sa Rizal ang nagbahagi ng video ng "Labor TikTok dance" ng mga pasyenteng buntis. Pati ang mga midwife na naroon ay nakisayaw.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: