Donnalyn Bartolome, nakatanggap ng mensahe mula sa girlfriend ng follower niya
- Ibinahagi ni Donnalyn Bartolome ang screenshot ng isang message mula sa isang netizen
- Sinabihan nito si Donnalyn na i-delete na lang dahil fina-follow siya ng kanyang boyfriend
- Hiningi naman ni Donnalyn ang pangalan ng boyfriend ng netizen upang siya na lang umano ang mag-block
- Umani naman ng mga nakaaliw na komento ang nasabing Facebook post ni Donnalyn
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang screenshot ng message ang ibinahagi ni Donnalyn Bartolome sa social media. Ito ay galing sa isang netizen na nagngangalang Kimberly. Ayon sa kanyang message, tila hindi nito nagugustuhan na naka-follow ang kanyang boyfriend kay Donnalyn.
Kinukuha naman ni Donnalyn ang IG handle ng boyfriend ni Kimberly upang siya na umano ang mag-block.
I gotchu Kimberly. Amin na ig handles girls, block ko nalang. Let’s look out for each other.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Umani naman ng mga nakakaaliw na komento ito mula sa mga followers ni Donna.
DONNALYN, idol ka din ng asawa ko!! password ka pa nga nya sa fb nya dati tapos ringtone nya sa phone kanta mo dati!!! pero okay lang saken kase alam ko mas papansin mo pa ko kesa sknya HAHAHAHAHHA CHAR
Gusto ko nga magustuhan ka ng Asawa ko, para pareho kami ng gusto. Pambihira hahahhaha si Donnalyn pa mag aadjust. Magpalit ka nalang ng jowa
Donnalyn oks lang saken if-ollow ka ng jowa ko - pag meron na ako jowa. Hahaha.
Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.
Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.
Sa kabila naman ng maraming mga request ng fans, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.
Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging tandaan at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh