Paolo Contis, pinabulaanan ang espikulasyong sinasaktan niya si LJ at ang mga bata

Paolo Contis, pinabulaanan ang espikulasyong sinasaktan niya si LJ at ang mga bata

- Sa kauna-unahang pagkakataon ay binasag ni Paolo Contis ang kanyang pananahimik kaugnay sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes

- Ayon sa kanya, kaya siya hindi kaagad nagsalita ay dahil gusto na lamang niya manahimik at tinanggap na lamang niya ang mga pambabatikos

- Hindi niya rin umano masabing hindi niya deserve ang mga natanggap na pang-aalipusta dahil sa kanyang nagawa

- Dahil marami na ang nadamay, minabuti niyang sagutin ang mga espikulasyong binabato sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Paolo Contis kaugnay sa mga isyung binabato sa kanya kasunod ng kontrobersiyal na panayam ni LJ Reyes kung saan kinumpirma nito ang tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Paolo Contis, pinabulaanan ang espikulasyong sinasaktan niya si LJ at ang mga bata
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Ayon sa kanya, kaya siya hindi kaagad nagsalita ay dahil gusto na lamang niya manahimik at tinanggap na lamang niya ang mga pambabatikos.

Read also

Paolo Contis, humingi ng dispensa kay Lian Paz sa pagkakadawit nito sa kontrobersiya

After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito.

Dahil marami na ang nadamay, minabuti niyang sagutin ang mga espikulasyong binabato sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito.

Mariin niyang pinabulaanan ang akusasyon tungkol sa droga at pananakit.

Paolo Contis, pinabulaanan ang espikulasyong sinasaktan niya si LJ at ang mga bata
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent.

Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Read also

Paolo Contis, umamin sa pagiging marupok niya at pagkakaroon ng 3rd party

Ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos sa kanya. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Samantala, sa isang naunang ulat ng KAMI, hindi pinalampas ni Paolo ang malisyosong pagtatanong ng isang netizen kay LJ Reyes.

Kagaya ng laging paalala ng KAMI, kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging tandaan at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Ika nga, "think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel