Lolit Solis, ibinahaging mas naaawa kay LJ Reyes kesa kay Paolo Contis

Lolit Solis, ibinahaging mas naaawa kay LJ Reyes kesa kay Paolo Contis

- Sa kanyang post, muling binanggit ni Lolit Solis ang kontrobersiyal na alagang si Paolo Contis

- Nilinaw niyang kahit anong gawin niyang panenermon sa alaga ay ito pa rin ang may choice pagdating sa gagawing desisyon niya sa kanyang buhay

- Aniya, habang buhay na dadalhin ni Paolo kung anuman ang pagkakasala na nagawa niya sa buhay

- Dagdag pa niya mas naawa siya dahil dalawang beses nang naiwan si LJ at parehos pang may anak sa dalawang nakarelasyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ani Lolit Solis, sana ay ito na ang huling post niya tungkol sa isyu nina Paolo Contis at LJ Reyes. Aniya, siguro ay matured naman na ang dalawa at matuto sa kanilang pagkakamali.

Lolit Solis, ibinahaging mas naaawa kay LJ Reyes kesa kay Paolo Contis
Lolit Solis (akosilolitsolis)
Source: Instagram

Nabanggit niya ring mas naawa siya kay LJ dahil dalawang beses na siyang naiwan nang kanyang karelasyon at parehos din nagkaanak sa kanya.

Read also

Eric Fructuoso, inaming hiwalay na sila ng kanyang asawa

Aniya, kahit anong pangaral ang gagawin niya sa kanyang alaga ay ito parin ang mga choice pagdating sa mga desisyong kanyang gagawin sa buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bata pa si LJ kaya mas dapat na siya ang bigyan ng lakas ng loob. Mas dasal ko na makakita din siya ng isang katulad ng natagpuan ni Lian Paz, isang lalaki na mamahalin siya at kaya siyang suportahan sa buhay. Dalawang anak ang palalakihin niya, at sana huwag ng magkamali pa sa pagpili ng next na mamahalin.

Gayunpaman, habang buhay umanong dadalhin ng alaga kung anuman ang pagkakasala na nagawa niya sa buhay.

Pag mali sila, sure ako pagbabayaran nila iyan sa buhay. Iyon na lang ang hintayin natin, huwag na tayo pa stress sa hindi natin problema.

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

Bukod sa kanyang pagsusulat sa isang print and digital newspaper, kadalasan ay naibabahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram.

Kaya naman ikinabahala niya nang minsan ay hindi niya mabasa ang mga komento ng netizens sa kanyang posts.

Kamakailan nga ay pinuri ni Lolit si Luis Manzano sa pagsagot nito sa mga bashers niya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel