Mga kapatid ni Mahal, inalala ang pagiging generous ni Mahal

Mga kapatid ni Mahal, inalala ang pagiging generous ni Mahal

- Ayon sa dalawang kapatid ni Mahal, hindi nila makakalimutan ang pagiging generous ng kanilang kapatid

- Thoughtful umano ito kahit hindi siya hinihingian ay siya mismo ang magtatanong ng mga gusto ng kanyang mahal sa buhay

- Mahilig din umano itong magsupresa sa kanyang mga pamilya lalo na sa mga kaarawan ng kanyang mahal sa buhay

- Nagdadalamhati man ay para sa mga kapatid ni Mahal kailangan nilang tanggapin ang pagkawala ng kanilang kapatid

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kahit mas matanda sa kanila, ibinahagi ng kapatid ni Mahal na si Lani na sila ang nagbibigay ng payo sa kanilang kapatid dahil na rin sa kalagayan nito.

Sa video na ibinahagi ng kolumnista at writer na si Benny Andaya, pinasalamatan nila ang lahat ng tagahanga ni Mahal na hanggang sa pagkawala niya ay ramdam nila ang kanilang suporta at pagmamahal.

Read also

Kapatid ni Mahal, ibinunyag na walang bisa ang naging kasal ng kapatid

Mga kapatid ni Mahal, inalala ang pagiging generous ni Mahal
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Kwento ni Lani, susunduin sana niya si Mahal upang mailipat ng ospital ngunit hindi niya na umano inabutan ito.

Kwento ng kapatid ni Mahal mahilig mag-surprise si Mahal sa kanilang mga kapatid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanda niya umano lahat ng birthday ng mga kamag-anak nila at kanyang mga kaibigan. Hindi nila malilimutan ang pagiging masayahin at makulit ni Mahal.

Maging ang kanyang mga fans ay nakiramay sa pamilyang naiwan ng komedyante.

My heartfelt condolences to Tesorero family. Ayan, legit narinig natin mismo sa mga kapatid ni cutie Mahal na wala cla sinisisi. Sa mga gumagawa ng fake news jan, ung ibang vlogger, tumahimik na kau. Rest in paradise now princess Mahal. Mahal na mahal ka namin. You are always in our hearts. Gabayan mo din lagi c Mygz. We will miss you.

Read also

Mygz Molino, pinasalamatan ng mga kapatid ni Mahal sa pag-alaga niya

I can't hold my tears. Hu hu Hu, Life is too short. God has the reason why she took early. She will continue her mission in Heaven. Be strong Family of Mahal at Kay Megz Family be strong.

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel