Joshua Garcia, umani ng papuri mula kina Mama Loi at Ogie Diaz

Joshua Garcia, umani ng papuri mula kina Mama Loi at Ogie Diaz

- Umani ng papuri si Joshua Garcia mula kina Mama Loi at Ogie Diaz

- Ito ay matapos nilang maibahagi nakatutuwang video ng reaksyon ni Ivana Alawi nang bigyan siya ng video greeting ni Joshua

- Nasabi ni Ogie Diaz na talagang 'mas gwapo' sa personal si Joshua

- Habang si Mama Loi ay idinitalye ang ugali ni Joshua sa set noong nakatrabaho niya ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Good boy" daw talaga ang aktor na si Joshua Garcia ayon kina Mama Loi at Ogie Diaz sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Updates.

Nalaman ng KAMI na naibahagi rin kasi nila sa kanyang channel ang nakatutuwang reaksyon ni Ivana Alawi nang bigyan siya ng video greeting ni Joshua para sa kanyang 2nd anniversary sa YouTube.

Joshua Garcia, umani ng papuri mula kina Mama Loi at Ogie Diaz
Joshua Garcia (Photo credit: @garciajoshuae)
Source: Instagram

Kinilig kasi nang husto si Ivana sa kanya umanong crush ayon mismo sa kapatid nitong si Mona.

Read also

LJ Reyes, nasaktan sa pagbura ni Paolo Contis ng kanilang larawan sa Instagram

Doon nasabi nina Mama Loi at Ogie Diaz ang magagandang katangian ng aktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"E kasi naman napakagwapo. Kung nakita niyo sa personal si Joshua, mas gwapo siya sa personal," ayon kay Ogie D.

"Kung nakikita niyo siyang mukhang good boy sa screen, good boy talaga siya," ani Mama Loi.

Nakatrabaho raw kasi ni Mama Loi si Joshua sa palikulang 'Block Z' at talagang humanga siya sa panansin nilang ugali ng aktor.

"Mabait, tahimik, palakaibigan, nakikipag-usap sa lahat ng crew," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng video na mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Joshua Garcia at kilalang Kapamilya actor na produkto ng Pinoy Big Brother All in noong 2015. Siya ang ex-girlfriend ni Julia Barretto.

Huling nagkasama ang dalawa sa music video ng "Paubaya" ni Moira Dela Torre. Naging kontrobersyal ang batuhan ng linya roon nina Joshua at Julia gayung wala raw umanong script na ginamit at sinasabing iyon ang naging maayos na 'closure' ng dalawa.

Read also

Luis Manzano kay Derek Ramsay na 'unofficial' BFF ni Jessy Mendiola: "Video call tayo, Derek"

Kasalukuyang single si Joshua habang si Julia ay masaya sa bago nitong boyfriend na Gerald Anderson.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel