Ogie Diaz, pinayuhan si Andrea Brillantes: "'Wag kang nagtatanong ng ganyan anak"

Ogie Diaz, pinayuhan si Andrea Brillantes: "'Wag kang nagtatanong ng ganyan anak"

- Pinayuhan ni Ogie Diaz ang young actress na si Andrea Brillantes tungkol sa isang kontrobersyal niyang pahayag kamakailan

- Bilang isang talent manager, nagbigay ng kanyang saloobin si Ogie sa mga nabitawang pahayag ni Andrea

- Nasabi kasi ni Andrea na nasasaktan umano siya sa ilan na kasisimula pa lamang sa showbiz ngunit biglang sikat na agad

- Taon umano ang binilang ni Andrea para sa hinihinging break sa showbiz gayung may mga artista na madali naman itong nakukuha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkomento ang ang showbiz personality ang kilalang talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa naging controversial statement ng young actress na si Andrea Brillantes kamakailan.

Nalaman ng KAMI na ito umano ay ang tungkol sa sagot ni Andrea kung ano ang pinaka-ayaw niyang experience sa trabaho.

Ayon kina Mama Loi, Tita Jegs at Ogie sa kanilang YouTube channel na 'Ogie Diaz Showbiz Updates', maintiriga umano ang naging sagot ni Andrea na tungkol sa agad na pagsikat ng ilang baguhang artista.

Read also

LJ Reyes, pinabulaanang mutual ang desisyon nilang maghiwalay ni Paolo Contis

Ogie Diaz, pinayuhan si Andrea Brillantes; "'Wag kang nagtatanong ng ganyan anak"
Andrea Brillantes ( Photo credit: @blythe)
Source: Instagram

Nasabi kasi ni Andrea na nasasaktan umano siya sa ilan na baguhan pa lamang ngunit mabilis ang pag-angat ng career sa showbiz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kumpara sa kanya na nagsimula bilang teen star at matagal-tagal niyang pinagdasal umano ang naabot ngayon sa pagiging artista.

Dahil dito, nagbigay komento si Ogie ukol sa kontorbersyal na pahayag ni Andrea.

"Normal lang naman na nararamdaman yan ng isang artista. Ang tagal-tagal bago mo nakamit 'yung pangarap mo"
"Bata ka pa naman anak, marami pa namang mangyayari ha, kaya kapit ka lang. Hindi ka pa naman mamamatay bukas, aabutin ka pa ng 95 years."
"'Wag mo nang isipin yan, lalo ka lang maii-stress"
"Kasi mas pinatutunayan mo na hindi ka secure, hindi mo pinagpapasalamat kung anong meron ka, 'pag ganyan ang attitude natin. Ipagpasalamat mo nalang kung saan ka dinala ng pangarap mo ngayon "

Read also

LJ Reyes, 'di agad nasagot ang tanong kung may third party sa hiwalayan nila ni Paolo Contis

"Matuwa ka din para sa magandang sinapit ng career ng iba"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na nagsimula sa industriya ng showbiz bilang child star. Mas lalo siyang nakilala nang bigyang husay niya ang pagganap bilang si "Marga" sa 'Kadenang Ginto'. Isa rin si Andrea sa mga kilalang TikTok Stars ng bansa.

Kamakailan, gumawa ng ingay ang mainit na Q&A niya kasama si Seth Fedelin. Agad na nagtrending ang mga naging matatapang na pahayag niya roon.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel