Mga pictures ni Nadine Lustre sa Siargao, kinagiliwan ng netizens

Mga pictures ni Nadine Lustre sa Siargao, kinagiliwan ng netizens

- Unti-unting dumarami ang mga pictures ni Nadine Lustre na kumakalat sa social media at kinagiliwan ng mga netizens

- Bukod kasi sa mukha itong masaya sa kanyang "simpleng buhay" sa Siargao, marami ang natuwa na tila wala itong kaarte-arteng makihalubilo sa mga simpleng tao

- Umani ng mga papuri ang aktres lalo at marami ang nasanay na makita siyang laging nakaayos

- Hindi maiwasang may magkumpara sa kanya kay Andi Eigenmann na mas pinili ang kanyang masayang buhay sa Siargao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang napapatanong kung magiging kagaya ba ni Andi Eigenmann si Nadine Lustre dahil sa kanyang pamamalagi sa kasalukuyan sa Siargao kung saan maraming mga litrato niya ang ibinabahagi ng netizens sa social media.

Mga pictures ni Nadine Lustre sa Siargao, kinagiliwan ng netizens
Nadine Lustre (@nadine)
Source: Instagram

Hindi kagaya sa nakasanayan ng publiko na glamurosang pag-aayos niya, makikita sa mga pictures na nakikipaghalubilo siya sa mga simpleng tao at lumusong din ito sa putik.

Read also

Wilbert Tolentino, kinontra ang pahayag ng kampo ni Ethel Booba na wala silang balak mag-vlog

Mayroon din siyang mga pictures na wala siyang suot na tsinelas habang naglalakad sa labas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens:

Like ko yung pagiging independent niya at hindi pabebe , walang paki alam sa sinasabi ng tao at d magpapaka plastic para lang sa kagustuhan ng fans
Pag pala talaga napupunta sa siargao nagiging simple ang buhay.Maganda dyan malayo sa mga polusyon at mga nega.
Ang sarap panoorin ng mga artistang ganito. ung nakikita mo na they can be like you, yung may simpleng buhay at simpleng tao lng

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila nitong January, 2020.

Read also

Janus Del Prado, isiniwalat ang tahimik na pagtulong sa kanya ni Paolo Avelino

Samantala, aminado si Nadine na nakaramdam siya ng pangamba na maapektuhan ang kanyang showbiz career matapos ang pagdalang ng trabaho para sa kanya. Gayunpaman, natutunan niya umanong huwag madaliin ang mga bagay-bagay.

Naging laman din siya ng balita kamakailan matapos maghain ng reklamo ang talent agency na VIVA kaugnay sa paglabag umano niya ng kontratang pinirmahan niya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel