Super Tekla at Donita Nose, muntikan nang magpasyang magkanya-kanya na

Super Tekla at Donita Nose, muntikan nang magpasyang magkanya-kanya na

- Sa kanilang ibinahaging video sa kanilang YouTube channel ay ibinahagi ng tambalang DonEkla ang kanilang pinagdaanan kamakailan

- Ibinahagi nila ang dahilan kung bakit medyo matagal silang hindi nakapag-upload ng video sa kanilang channel

- Dahil sa kanilang hindi pagkakaunawaan, muntikan na silang magkanya-kanya dahil hindi umano sila nag-iimikan kahit magkasama sila sa bahay

- Gayunpaman, matapos ang masinsinang pag-uusap, nangako si Tekla na aayusin na umano ang kanyang ugali lalo at sayang din kung bubuwagin nila ang kanilang tambalan na magdiriwang na ng kanilang unang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinaliwanag nina Donita Nose at Super Tekla ang tunay na dahilan kung bakit wala silang naibahaging video sa YouTube kamakailan. Nagkaroon umano ng problema ang dalawa na humantong sa hindi pagkikibuan nila ng ilang araw.

Super Tekla at Donita Nose, muntikan nang magpasyang magkanya-kanya na
Super Tekla and Donita Nose (@donitanose)
Source: Instagram

Nakapagpasya pa silang magkanya-kanya na lamang dahil mayroon naman silang mga sariling YouTube channel. Gayunpaman, nagkausap umano sila ng masinsinan at napag-usapan nila kung paano aayusin ang kanilang problema.

Read also

Shara Cruzat, bumwelta kay Jovit Baldivino sa pagnanais nitong makuha ang anak

Nangako naman si Super Tekla na aayusin na niya ang kanyang ugali pagdating sa kanilang paggawa ng video. Magdidiwang na ng kanilang ika-unang anibersaryo ang kanilang YouTube channel na DonEkla in Tandem at malapit na rin nilang maabot ang 3 million subscribers kaya kahit papaano ay nanghinayang sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang nalungkot nang hindi pa nila sinasabi na naayos na nila ang problema:

Huwag naman. Sayang ang tandem ninyo. naaliw ako pag pinapanood ko kayo.
Ai bakit. hwag nman kayo mag hiwalay. dami nag mamahal sa inyo.
Sayang naman Donita at tekla,... baka kailangan nyo lang muna mag pahinga ,.Dami nyo nadin naging subscriber.

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla.

Read also

Ethel Booba at Wilbert Tolentino, nagkausap at nagkaayos na

Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Isa si Donita sa tumulong upang mapabinyagan ang anak ni Tekla sa dating kinakasama nitong si Michelle Banaag.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel