Eksena nina Angel Locsin at Maja Salvador, muling napag-tripan

Eksena nina Angel Locsin at Maja Salvador, muling napag-tripan

- Kasunod ng pagsikat ng mga meme sa isang eksena ng vlog ni Karen Davila kung saan kasama niya si Lyca Gairanod, maging ang isang eksena sa teleserye nina Angel Locsin at Maja Salvador ay napagkatuwaan ng netizens

- Inilapat ang usapan nina Lyca at Karen sa iconic na sabunutan at sampalan scene nina Angel at Maja sa teleseryeng 'The Legal Wife'

- Maging si Ogie Diaz ay naaliw sa nasabing video kung saan tila sumakto naman ang tunog sa eksena

- Matatandaang ang sikat na sikat na meme nina Lyca at Karen ay nagmula sa vlog ng journalist kung saan kinaaliwan ang reaksiyon nila nang malamang parehas pala ang kanilang birthday

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nakaligtas sina Maja Salvador at Angel Locsin sa malikot at malikhaing emahisnasyon ng mga Pinoy netizens. Matapos nga mag-viral ang mga meme mula sa vlog ng journalist na si Karen Davila kung saan kinaaliwan ang reaksiyon nila ni Lyca Gairanod nang malamang parehas pala ang kanilang birthday, kinaaliwan ang intense na The Legal Wife" scene nina Maja at Angel.

Read also

Alex Gonzaga at kasamahan sa bahay, kumasa sa Bad Romance challenge

Eksena nina Angel Locsin at maja Salvador, muling napag-tripan
Angel Locsin (Photo by Jamie McCarthy/WireImage)
Source: Getty Images

Inilapat ang usapan nina Lyca at Karen sa iconic na sabunutan at sampalan scene nina Angel at Maja sa nasabing teleserye. Maging si Ogie Diaz ay naaliw sa nasabing video kung saan tila sumakto naman ang tunog sa eksena.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Read also

Kulitan ng mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano, kinagiliwan ng netizens

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel