Rudy Baldwin, nag-off ng comment section matapos umanong ma-Tulfo
- Napansin ng mga netizens na nag-off ng comment section ang kilalang psychic sa bansa na si Rudy Baldwin sa kanyang opisyal na Facebook page
- Makikita ang "Rudy Baldwin limited who can comment on this post" sa kanyang post noong Agosto 18
- Ito ay isang araw matapos na maireklamo si Rudy sa programa ni Raffy Tulfo ng kanyang dating manager
- Sinasabing may pananagutan si Rudy Baldwin sa batas sakaling mapatunayang nagpabayad nga umano ito matapos manghula
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Maraming followers ng kilalang psychic sa bansa na si Rudy Baldwin ang nakapansin na nag-off umano ito ng comment section ng kanyang Facebook post.
Nalaman ng KAMI na sa post niya na naibahagi nito lamang Agosto 18 ay wala nang comment section kung saan maaring magsulat ng pahayag ang mga netizens.
Mapapansin ang "Rudy Baldwin limited who can comment on this post" sa post na kanyang ibinahagi, isang araw matapos na maireklamo siya ng dati umano niyang manager sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo.'
Isa rin umanong ginang na nasa ibang bansa ang nakausap ni Tulfo sa kanyang programa na umano'y naloko ni Baldwin.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang dating manager ni Rudy na si Elzen Estores ay nagsalita din laban sa psychic. Nagawa umano nitong ibenta ang kanyang sasakyan at mga alahas dahil ito umano ang sinabi sa kanya ni Rudy na dapat niyang gawin dahil magugunaw na raw ang mundo noong Marso 2020 na hindi naman naganap.
Matatandaang nasabi ni Atty. Gareth Tungol, abogado ng RTIA at ACT-CIS, may pananagutan si Rudy Baldwin sa batas basta mapatunayang nanghula ito at nagpabayad o tumanggap ng bayad.
Si Rudy Baldwin ay sumikat sa social media dahil sa kanyang mga premonisyon at umano'y 'vision' sa kanyang official Facebook page. Kamakailan, naging mainit na usapin ang tungkol sa kanyang mga vision matapos siyang punahin dahil pawang mga negatibo umano ang kanyang ibinabahaging mga hula.
Matapos na maireklamo sa 'Raffy Tulfo in Action' agad na naglabas ng pahayag si Rudy sa kanyang Facebook page.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh