Ogie Diaz, ibinahagi ang opinyon kaugnay sa pinupukol na isyu kay Jinkee Pacquiao
- Para kay Ogie Diaz, walang masama sa pagbabahagi ni Jinkee Pacquiao ng mga pictures nito sa social media kung saan makikita ang kanyang mga mamahaling gamit
- Aniya, hangga't sarili nilang pera at hindi sa taong-bayan ang ginagastos nila ay walang masama doon
- Naibahagi niya ring hindi ginagalaw ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang budget bilang senador
- Matatandaang naging usap-usapan ang maybahay ng Pambansang kamao matapos maintriga ang presyo ng kanyang mga OOTD sa kanilang pamamalagi sa Amerika para sa laban ni Sen. Manny
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Para kay Ogie Diaz, walang masama sa mga post ni Jinkee Pacquiao kung saan nakikita ang mga mamahaling gamit niya. Aniya, hangga't wala siyang inaapakang ibang tao at hindi pera ng taong-bayan ang kanyang pinambili ay walang masama.
Nabanggit din niya na isa si Sen. manny Pacquiao sa senador na hindi ginagalaw ang budget bilang isang senador kaya walang dapat ikabahala kung pera ba ng taong-bayan ang ginagamit ng kanyang asawa na pambili sa kanyang mga mamahaling gamit.
Matatandaang naging usap-usapan ang maybahay ng Pambansang kamao matapos maintriga ang presyo ng kanyang mga OOTD sa kanilang pamamalagi sa Amerika para sa laban ni Sen. Manny.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".
Nagsara man ang Kapamilya network, mariing nanindigan si Ogie na mananatili siyang isang Kapamilya. Kahit wala siyang TV show bunsod ng nangyari sa ABS-CBN, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang paghahatid ng showbiz news at updates sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.
Naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."
Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta sika sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh