Janine Gutierrez, kinabahan sa mensahe ng Grab rider kaugnay sa kanyang inorder na cake
- Ibinahagi ni Janine Gutierrez ang screenshot ng mensahe ng isang Grab delivery rider matapos umano siyang kabahan sa "ipagtatapat" umano nito
- Kaugnay ito sa kanyang inorder na cake na ayon sa Grab rider ay masyadong malambot
- Ang kanyang inaalala pala ay baka masira ang cake dahil sa sobrang lambot nito
- Gayunpaman, sisikapin niya umanong maingatan ito at babagalan na lamang niya ang kanyang takbo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kinaaliwan ang tweet ni Janine Gutirrez kung saan ibinahagi niya ang mensahe ng isang Grab rider sa kanya kaugnay sa kanyang inorder na cake na aniya ay ikinakaba niya.
Makikita sa nasabing screenshot ang mensahe ng rider na nagsasabing sobrang lambot ng cake na kanyang inorder kaya hindi niya masiguradong maiingatan niya ito.
Ang tinutukoy niya ay baka masira ang cake habang nasa biyahe. Gayunpaman aniya, susubukan niyang ingatan at babagalan na lamang umano niya ang kanyang takbo.
Ani Janine, kinabahan siya sa sinabing "ipagtatapat" ng rider.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
kinabahan ako kuya Grab, kala ko kung ano ipagtatapat mo sakin
Samantala, mayroon namang naka-relate sa rider at meron ding natawa na lamang sa naging reaksiyon ni Janine:
Napanood yata ni Kuya yung video clip mo kung paano ka magalit. Namamaril!!! HAHA
Gusto kong malaman kung anong isinagot mo sa pagtatapat ni kuya Grab
Kulit din neto ni Janine e no. Gusto ko ung “Elow” nya and ang sweet nung ingat. Parang gusto mo na lang din mag Grab driver para may nagsasabi sayo ng “ingat.” Haha waw.
Si Janine Gutierrez ay anak ng dating mag-asawang sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez. Si Lotlot ay ikinasal sa kanyang pangalawang asawang isang Lebanese businessman na si Fadi El Soury.
Kamakailan ay maraming naaliw sa kwento ni Janine kaugnay sa kanyang ginawa na nagpatawa kay Regine Velasquez.
Sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay sa kanyang showbiz career, hindi maiwasang mayroon pa ring nambabatikos sa kanya. Gayunpaman, laging nakahanda ang kanyang mga fans na ipagtanggol siya kagaya na lamang nang minsang sabihan siya ng isang basher na "tamad" at "tanga."
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh