Sachzna Laparan, nakatikim ng malutong na mura kay Madam Inutz

Sachzna Laparan, nakatikim ng malutong na mura kay Madam Inutz

- Kinaaliwan ang TikTok video na ibinahagi ni Sachzna Laparan kung saan nagpabati siya kay Madam Inutz

- Gayunpaman, nahirapan ang online seller na banggitin ang pangalan ni Sachzna at napamura ito

- Natawa naman si Sachzna sa mga nabanggit ni Madam Inutz na kinalaunan ay humingi dion ng dispensa

- Umabot na sa 8 milyon ang views ng nasabing TikTok video matapos lamang ang isang araw na ibinahagi ito ni Sachzna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tawang-tawa si Sachzna Laparan nang magpabati siya kay Madam Inutz sa kanyang Facebook live matapos siyang mamura nito dahil mahirap umano bigkasin ang pangalan niya.

Sachzna Laparan, nakatikim ng malutong na mura kay Madam Inutz
Daisy_licious Ukay
Source: Facebook

Tila ikinabigla naman ng online seller nang sabihin ng kanyang kasama na vlogger si Sachzna kaya inulit niyang sinubukang basahin ang pangalan nito para mabati.

Gayunpaman, hirap pa rin siya kaya Laparan na lang ang binanggit niya. Kitang-kita ang reaksiyon ni Sachzna na tawang-tawa. TIla nabigla pa si Madam nang sabihin ng kasama niya na vlogger si Sachna.

Read also

Madam Inutz, pinakita ang kanyang ina na aniya'y isa sa dahilan ng kanyang pagbebenta

Aniya, binabawi niya na ang pagmura niya sa vlogger. Hindi talaga niya nabikgas nang maayos ang Sachzna kaya Laparan na lang daw ang babanggitin niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umabot na sa mahigit 8 milyon ang views ng nasabing TikTok video na ibinahagi ni Sachzna sa kanyang TikTok page.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

Para kang lageng nakainom hahaha kakatanggal ka ng stress madam inutil ka talaga lakas mo
Tawang tawa ako dito. pati mudra tawa ng tawa eh kaka tuwa si Madam inutz grabe na ituu!
Oh jhiba......hehehe..Alam ko mabuti kng tao..gingwa mo yan para sa nanay mo...salute ako sayo madam Daisy.

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Read also

Mariel Padilla, sumunod sa work ni Robin; "Mga pinaggagawa ni sir dito sa kampo, huling-huli!"

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel