Mariel Padilla, sumunod sa work ni Robin; "Mga pinaggagawa ni sir dito sa kampo, huling-huli!"
- Sa ikalawang bahagi ng vlog ni Mariel kung saan sumama ito sa kampo, nakita niya ang mga ginagawang trabaho ng kanyang mister na si Robin Padilla
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
- Agad na napansin ni Mariel na mga babae ang nakakasama ng kanyang mister sa drill nito
- Nagbiro pa ito na pawang mga naka-palda pa ang mga kasama na kalaunan ay kanya namang na-interview
- Ipinakita rin sa video ni Mariel ang serbisyo ng mga kababaihang sundalo na matinding sakripisyo ang ginagawa na nararapat lamang bigyang pugay
Ibinahagi na ni Mariel Rodriguez-Padilla ang ikalawang bahagi ng kanyang vlog kung saan sumama siya sa mister niyang si Robin Padilla sa trabaho nito Army sa Fort Bonifacio.
Nalaman ng KAMI na isinama ni Mariel ang dalawa nilang anak ni Robin na kitang-kitang nag-enjoy sa kanilang pinuntahan.
Ngunit sa bungad pa lamang ng vlog ni Mariel, nagbiro na ito na aalamin daw niya ang ginagawa ng asawa at tila napakasipag daw nitong pumasok sa trabaho.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kinuhaan pa talaga niya ng video ang mga kasama ni Robin sa drill nito na pawang mga babae.
"Mga pinaggagawa ni sir dito sa kampo, huling-huli!" biro ni Mariel.
Sinabi pa nitong 'naka-palda' pa ang mga babaeng kasama ng kanyang mister at hindi nakapantalon. Kapansin-pansin nga naman ang uniporme ng dalawang sundalong kasama ni Robin na naka-palda habang isinasagawa ang kanilang drill.
Ngunit matapos ito ay nakapanayam ni Mariel ang mga babaeng sundalo na labis niyang hinangaan sa mga kaya nilang gawin na masasabi niyang hindi raw para sa kanya.
Nakapanayam din niya ang isang babaeng chief master sargeant na 30 taon na sa serbisyo. Talagang napa-wow si Mariel gayung bukod sa sinumpaang tungkulin nito sa bayan, isa rin umano siyang ina ng tahanan.
Kaya naman bago matapos ang vlog, binigyang pugay ni Mariel ang mga babaeng sundalo. Hindi raw kailangang hintayin pa ang 'women's month' para sila ay bigyang pagpapahalaga gayung nasaksihan niya ang mga gawain ng mga ito sa loob ng kampo.
"We should honor them every day. 'Yung sacrifices na ginagawa nila, yung dedication nila is really really very inspiring. Hindi enough 'yung words na grateful ka doon sa ginagawa nila.
Narito ang kabuuan ng vlog ni Mariel Padilla na mula sa kanyang YouTube channel:
Si Mariel Padilla ay kilalang aktres at TV host sa Pilipinas. Sa ngayon, mayroon na siyang mahigit 1 million na subscribers sa kanyang YouTube channel. Kasal siya sa kilalang action star sa bansa na si Robin Padilla at nabiyayaan sila ng dalawang babaeng mga anak, sina Isabella at Gabriela.
Kamakailan, masayang ipinagdiwang ni Mariel ang kanyang ika-37 na kaarawan kasama ang pamilya at mahal sa buhay.
Source: KAMI.com.gh