Heaven Peralejo at Kiko Estrada, inilantad na ang kanilang pagmamahalan

Heaven Peralejo at Kiko Estrada, inilantad na ang kanilang pagmamahalan

- Isinapubliko nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang pictures na magkasama

- Ibinahagi din nila ang kanilang pagmamahalan sa publiko sa kabila ng mga negatibong mga reaksiyon ng maraming netizens sa kanilang pagkakamabutihan

- Matatandaang ilang beses na ring namataang magkasama ang dalawa sa kanilang mga lakad at maging sa okasyon ng pamilya ng aktres

- Gayunpaman, ito ang unang pagkakataon na isinapubliko nila ang kanilang mga pictures na magkasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kauna-unahang pagkakataon ay isinapubliko nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada ang tungkol sa kanilang dalawa. Sa kanilang mga sariling social media accounts ay inihayag ng dalawa ang kanilang pagmamahalan.

Heaven Peralejo at Kiko Estrada, inilantad na ang kanilang pagmamahalan
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Sa Instagram post ni Heaven, isang maikling caption na "his" ang kanyang inilagay kalakip ng mga pictures nilang magkasama.

Samantalang "I love you" naman ang nilagay na caption ni Kiko na sinagot ni Heaven ng "I love you too" sa comment section ng post ng aktor.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal sa araw na napanalunan ni Hidilyn Diaz ang gold medal

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapansin-pansin na limitado lamang ang mga taong maaring mag-iwan ng komento sa post ni Kiko samantalang nakabukas sa publiko ang comment section ni Heaven.

Hindi tuloy napigilan ang ilang mga negatibong komento at ilan sa kanila ang umungkat sa paglabas ng balitang naghiwalay na sina Kiko at Devon at si Heaven ay nadawit sa kanilang hiwalayan.

Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Read also

Maris Racal, ibinuking na 'before pandemic' pa nagsimula ang relasyon nila ni Rico Blanco

Nauna nang pinabulaanan ni Heaven na siya ang dahilan ng paghihiwalay ni Kiko at ex-girlfriend nitong si Devon Seron.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel