Vilma Santos sa alok na pagtakbo bilang VP ng Pinas: "Ayaw kong iwan ang Batangas"

Vilma Santos sa alok na pagtakbo bilang VP ng Pinas: "Ayaw kong iwan ang Batangas"

- Binigyang linaw ni Vilma Santos ang mga nababalitang tatakbo umano siya bilang Bise Presidente ng bansa sa Eleksyon 2022

- Noon pa mang nasa ikalawang termino pa lamang siya ng pagka-gobernador ng Batangas, minsan na rin siyang inalok na tumakbo sa mas mataas na posisyon ngunit tinanggihan niya

- Ayaw din umano niyang isipin ng tao na kampante lamang siya dahil sa pangalan niyang kilala ng maraming Pilipino

- Sinabi niyang ayaw niyang pasukin ang isang bagay na hindi pa naman umano siya handa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng saloobin si Rep.Vilma Santos-Recto kaugnay sa muling mga nababalitang tatakbo umano siya sa mas mataas na posisyon at ito ay ang pagiging Bise Presidente ng bansa sa Eleksyon 2022.

Sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin sa programa nito sa News 5, nilinaw ng 'actress turned politician' ng Batangas na wala umano siyang plano na tumakbo sa nasabing mas mataas na posisyon.

Read also

Donekla in Tandem, ibinahagi sa kanilang vlog ang pagpapa-Feng Shui ng kanilang bahay

Vilma Santos sa alok na pagtakbo bilang VP ng Pinas: "Ayaw kong iwan ang Batangas"
Si Rep. Vilma Santos kasama ang kabiyak na si Senator Ralph Recto (Vilma Santos Recto)
Source: Facebook

Gayunpaman, ipinagpapasalamat niya mga taong nag-uudyok at naghihikayat sa kanya na tumakbo dahil tiwala umano ang mga ito na kaya niyang gampanan ang pagiging VP ng bansa.

"Hindi po lahat nabibigyan ng tiwala na ganyan."

"Mahirap po kasing pasukin ang isang bagay na hindi po ako handa," dagdag pa ng Deputy Speaker ng house of representatives.

Ayaw din umano niyang palabasin na nakasalalay lamang ang pagkakaluklok niya sa nasabing posisyon dahil sa kanyang pangalan.

"Pag ino-offer po sa akin 'yun ang sinasabi ko nalang, I'm so sorry hindi pa ako handa, baka hindi ko pa po panahon."

Dagdag pa niya, hindi ibig sabihin na nabigyan na siya ng pagkakataon sa mas mataas na posisyon ay iiwan na niya ang Batangas.

Paliwanag din ng binansagang 'Star for All Seasons' na ayaw niyang maging 'unfair' sa mga boboto sa kanya kung hindi naman niya magagampanan ng maayos ang nabanggit na posisyon.

Read also

Boxing champs Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Carlo Paalam na hawak ang kanilang medalya, viral na

Narito ang kabuuan ng panayam kay Rep. Vilma Santos Recto mula sa News5:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vilma Santos ay isa sa mga kilala at batikang aktres sa bansa na tinaguriang "Star for all seasons." Ilang taon na rin siyang matagumpay na nagbibigay serbisyo sa mga kababayan niya sa Batangas sa ilang posisyong nakuha niya. Siya ay kasal kay Senator Ralph Recto. Anak niya ang kilalang Kapamilya TV host na si Luis Manzano.

Sa naunang naiulat ng KAMI, pinuri ni Rep. Vilma Santos si Jessy Mendiola ang ngayo'y daughter-in-law na niya dahil sa labis na pagmamahal daw nito kay Luis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica