Regine Tolentino, diretsahang sinabing "no job at cheater" umano ang dating asawa

Regine Tolentino, diretsahang sinabing "no job at cheater" umano ang dating asawa

- Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Regine Tolentino ang kanyang kasagutan sa ilang mga tanong ng netizens sa kanya

- Kabilang sa kanyang sinagot ay ang tungkol sa kanyang bagong asawa na ama ng kanyang bunsong anak

- Ani Regine, mas masaya na siya ngayon at maayos pa rin ang kanyang itinayong negosyo matapos ang 22 taon

- Sa comment section naman ay sinabi niyang walang trabaho at cheater ang una niyang asawa na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang TikTok video ang ibinahagi ni Regine Tolentino kung saan sinagot niya ang mga madalas na naitatanong sa kanya ng mga tao. Kabilang sa mga naitanong sa kanya ay tungkol sa kanyang bagong asawa.

Regine Tolentino, diretsahang sinabing "no job at cheater" umano ang dating asawa
Regine Tolentino (@reginetolentino)
Source: Instagram

Ani Regine, mas masaya na siya sa kanyang bagong asawa. Isa siya umanong Zumba instructor sa kasalukuyan kaya napapanatili niya ang kanyang balingkinitang katawan sa kabila ng kanyang panganganak.

Read also

Isang online seller, kinaaliwan sa kanyang paraan ng pagbebenta

Samantala, sa comment section ng nasabing TikTok video, sinagot din ni Regine ang mga komento at katanungan ng netizens.

Sinagot naman ni Regine ang komento ng isang netizen na nagsabing hindi na kailangan pang isapubliko ni Regine ang mga bagay tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil ito pa rin ang ama ng kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang netizen ang nanghinayang at nagtanong kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Regine Tolentino, diretsahang sinabing "no job at cheater" umano ang dating asawa
Regine Tolentino (Screenshot from @regine.tolentino/Tiktok)
Source: Instagram

Ani Regine, wala umanong trabaho at cheater ang dati niyang asawa.

Sagot naman niya sa isang netizen na nagsabing madali lang sa kanya magpalit ng asawa, "Hindi madali, after 18 years of a failed marriage."

Si Regine Tolentino ay dating ikinasal sa aktor na si Lander Vera Perez. Una silang nagkakilala sa set ng Flames, isang teen drama anthology na pinabalabas noon sa ABS-CBN. Nagkahiwalay sila noong 2001 at muling nagkabalikan. Gayunpaman, naibalitang taong 2015 nang muli silang naghiwalay.

Read also

Ivana Alawi, hinangaan sa pagiging 'humble' at labis na mapagmahal sa pamilya

Matatandaang umani ng reaksiyon at positibong komento ang post-partum body ni Regine kamakailan. Matatandaang taong 2020 nang isapubliko ni Regine ang kanyang panganganak sa kanyang bunsong si Rosie.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel