Kasambahay na kailanma'y 'di nakapagdiwang ng kaarawan, sinurpresa ng among vlogger
- Naantig ang puso ng marami nang isurpresa ni Basel Manadil ang kanyang kasambahay sa kaarawan nito
- Nang malaman niya sa iba niyang empleyado na kaarawan pala ng katiwala niya sa kanyang tahanan, agad siyang namili ng regalo para rito
- Binigyan din niya ito ng munting selebrasyon bago matapos ang araw ng kanyang kaarawan
- Emosyonal daw ang kanyang kasambahay na 50 taong gulang na dahil kailanma'y 'di ito nagkaroon ng selebrasyon para sa kanyang birthday
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng mga netizens ang surprise celebration na inihanda ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' para sa kanyang kasambahay.
Nalaman ng KAMI na hindi tinapos ni Basel ang araw nang hindi nabibigyan ng biyaya ang kanyang katiwala sa bahay para sa espesyal na araw nito.
Kaya naman nang malaman niya sa iba pa niyang empleyado na kaarawan pala ng kasambahay, isiningit niya sa kanyang busy schedule ang pamimili ng mga damit na panregalo.
Nagkaroon din sila ng munting selebrasyon, na siyang dahilan ng pagluha ng kanyang katiwala sa bahay.
Ayon kay Basel, naiyak daw ito dahil hindi raw nito nakaranas na magdiwang ng kaarawan at ngayon lamang kung kailan 51-anyos na siya. Isa rin sa rason ng pagiging emosyonal nito ay hindi niya kasama ang kanyang pamilya.
Gayunpaman, mababakas ang kasiyahan sa kasambahay sa surpresang handog sa kanya ng mabait at matulunging amo.
Narito ang kabuuan ng vlog:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Ngayong pandemya, ilan sa mga natulungan ni Basel ay ang grupo ng mga jeepney at bus drivers na nabiyayaan niya ng nasa Php10,000 kada isang mati-tyempuhan niyang bigyan sa kalsada.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh