Ellen Adarna, tinangging nag-walk out sa set; inilahad ang buong kwento

Ellen Adarna, tinangging nag-walk out sa set; inilahad ang buong kwento

- Sinagot ni Ellen Adarna ang isang netizen na nagtanong sa kanya kung totoo bang inalis siya sa kanyang sitcom

- Ani Ellen, alam niya ang kanyang karapatan at kailangan aniyang sumunod sa pinapatupad na IATF protocols at batas

- Hindi man diretsahang inamin ni Ellen ang tungkol sa isyu sa umano'y pag walkout niya, sinabi niyang nagbigay pa siya ng dagdag na isang oras sa pinangakong cutoff sa kanya

- Dagdag pa niya, pinaka-priority niya umano ang kanyang kalusugan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang Instagram post, isang netizen ang nagtanong kay Ellen Adarna kaugnay sa walkout issue na kinasasangkutan niya. Sa mga naglabasang writeups, nag-walkout umano si Ellen kahit hindi pa tapos ang shooting.

Ellen Adarna, sinabing prayoridad niya ang kalusugan sa gitna ng "walkout" issue
Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Tinanong siya ng isang netizen kung totoo bang tinanggal na siya sa isang comedy show.

Sinagot ito ni Ellen at aniya ay alam niya ang karapatan niya. Nabanggit niya rin ang tungkol sa pagsunod sa mga pinapatupad na IATF protocols.

Read also

Nurse sa natanggap na special risk allowance: "I honestly do not know what went wrong"

There is what u call the LAW and IATF protocols and because of covid, it must be strictly implemented. I know my rights and before you say and assume, know your rights too so you can set limits and boundaries (its good and healthy for you) Violating IATF protocols and stripping me of my rights is unprofessional and unethical.

May binigay umano sa kanyang oras ng cutoff at sa katunayan ay nag-extend pa umano siya ng isang oras para walang masabi sa kanya. Aniya priority niya ang kanyang kalusugan at kaligtasan.

I was promised a cutoff and even i extended it for another hour para walang masabi (i have receipts to prove this too) i guess someone wasnt informed of some crucial information. Right direc? @tagaakay @rubybrillo i think its just right to honour your word and dont make promises you cant keep. Bottom line, we just have different priorities and my health and safety is # 1

Read also

Vlogger na si Mika Salamanca, naglabas ng hinaing sa pagkakabangga sa kanyang sasakyan

Ellen Adarna, sinabing prayoridad niya ang kalusugan sa gitna ng "walkout" issue
Screenshot from Ellen Adarna's Instagram
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ellen Adarna ang panganay na anak na babae ng isang mayamang pamilya sa Cebu na may maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao.

Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari rin ng isang templo na nasa Cebu bilang parangal sa kanyang yumaong lola.

Siya ay isang modelo na nagsimula bilang isang tanyag na internet celebrity at naging isang 'Star Magic' artist mula noong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Matapos ang paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz, naging karelasyon ni Ellen si Derek Ramsay at nakatakda na silang ikasal. Kamakailan ay umani ng mga reaksiyon ang picture nila Derek at Ellen na natutulog. Buong pagmamalaki namang sinabi ni Derek na maswerte siya sa kanyang mapapangasawa.

Read also

Andrea Brillantes, hindi babaguhin ang sarili niya para sa ibang tao

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel