Michelle Dy, ibinahagi ang ilang behind the scenes ng '4 sisters and a welding'

Michelle Dy, ibinahagi ang ilang behind the scenes ng '4 sisters and a welding'

- Ipinakita ng beauty guru na si Michelle Dy ang ilang 'behind the scenes' footage na kuha niya mula sa '4 sisters and a welding'

- Ipinalabas ang parody na ito ng patok na pelikulang '4 sisters and a wedding' sa YouTube channel ni Alex Gonzaga bilang pagdiriwang niya ng ika-4 na taon sa YT

- Mula pagpunta ni Michelle sa set hanggang sa eksena kung saan nakasama rin niya ang kapatid ni Alex na si Toni

- Aminado si Michelle na sobra siyang nag-enjoy sa shoot ng parody na kinagiliwan naman ng maraming netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinasilip ng beauty guru at vlogger na si Michelle Dy ang ilang behid the scenes ng '4 sisters and a welding.'

Nalaman ng KAMI na ito ang parody ng '4 sisters and a wedding' na ipinalabas sa YouTube channel ni Alex Gonzaga.

Read also

Hidilyn Diaz, nagpa-tattoo ng 'Olympic Rings' sa kanyang braso

Mula sa pagpunta ni Michelle sa location, hanggang sa sila ay mag-wrap up na sa shoot, kanyang naipakita.

Michelle Dy, ibinahagi ang ilang behind the scenes ng '4 sisters and a welding'
SIna Zeinab Harake, Michelle Dy, Donnalyn Bartolome, Toni at Alex Gonzaga (Photo credit: @michelledyy)
Source: Instagram

Pagdating pa lang nila sa lugar, isinagawa na agad ang swab test sa lahat ng kasama nila sa production upang masiguro na lahat sila ay negatibo sa COVID-19.

Ipinaliwanag din ni Michelle na talagang ginagawa nila ang safety protocol mula sa kanilang mga gumanap hanggang sa mga crew.

Makikita kung gaano ka-komportable sina Michelle gayundin ang mga kapwa niya YouTube Stars na sina Donnalyn Bartolome, Zeinab Harake sa set kung saan sila inimbita ni Alex Gonzaga.

Ang ang pinakahinangaan ni Michelle ay ang isang take ng pag-iyak ni Toni Gonzaga sa eksena kung saan siya talaga ang gumanap sa orihinal na pelikula.

Aminado si Michelle na labis siyang nag-enjoy sa kanyang experience sa shoot na naging sulit naman sa dami na ng nakapanood at natuwa sa nasabing parody.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Lorin Guttierez, ipinakita ang kanyang sosyaling sneaker collection

Si Michelle Dy ay isang kilalang vlogger at beauty expert sa bansa. Mayroon na siyang 3.11 million subscribers sa kanyang YouTube channel.

Matatandaang isa si Michelle sa labis na nagdalamhati sa pagpanaw ng malapit niyang kaibigan na isa ring kilalang vlogger sa Pilipinas, si Lloyd Cadena.

Nagawa pa niyang ipakita ang huling mamahaling regalo sa kanya ni Lloyd na isang bag at labis niya talaga itong pinaka-iingatan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel