Michelle Dy, labis-labis ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigang si Lloyd Cadena

Michelle Dy, labis-labis ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigang si Lloyd Cadena

- Hindi napigilang maiyak ni Michelle Dy habang inaalala niya ang kaibigang si Lloyd Cadena

- Sa kanyang Instagram Story ay naging emosyonal ang beauty vlogger habang nakikinig sa mga awitin

- Ayon kay Michelle, si Lloyd ang palaging sumasalo sa kanya sa tuwing naba-bash siya ng mga netizen sa social media

- Ipinagluluksa ng maraming netizens, vloggers at celebrities ang biglaang pagpanaw ni Lloyd

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal ang beauty vlogger na si Michelle Dy habang nakikinig sa ilang awitin. Sa kanyang Instagram story, makikita ang vlogger na mugto ang mata at kalauna'y napahagulgol dahil sa pagpanaw ng isa sa pinakamatalik na kaibigan.

Michelle Dy, labis-labis ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigang si Lloyd Cadena

Michelle Dy and Lloyd Cadena (Photo from Michelle Dy's Instagram)
Source: Instagram

Ayon sa kanya, palaging naroroon si Lloyd upang saluhin siya lalo na noong mga panahong nakatanggap siya ng mga pambabatikos mula sa mga netizens.

Si Lloyd din ang isa sa mga taong nanatili sa tabi niya noong mga panahong tinalikuran si Michelle ng mga inaakalang kaibigan niya.

Lord, why did you take away the only one I had?" Ito ang kanyang naisulat bilang reaksiyon sa pagpanaw ni Lloyd.

Aniya, alam niyang alam ni Lloyd kung gaano siya kahalaga para sa kanya dahil lagi niya umanong pinaparamdam ito sa kaibigan.

“I love you so much, Lloyd. And I thank the Lord that I was able to make you feel how much you mean to me. I don’t regret anything because I know deep inside, I expressed how much love you and how much I appreciated you and I know you felt that."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi niya rin kung gaano sila ka lapit sa isa't-isa sa kabila ng kanilang strong personalities.

“We didn’t have so much friends; because we knew that both of us, alam namin na pareho kami — palaging nami-misinterpret. We both had strong personalities that not a lot could handle. But sa aming dalawa, we were our safe place. I was the only one that could handle him and he was the only one the could handle me.”

Si Lloyd Cadena ay isa sa mga pinakasikat na YouTube content creator sa bansa. Umabot na sa mahigit 5 milyon ang kanyang YouTube subscribers sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matapos lumabas ang malungkot na balitang pumanaw na siya, muling lumitaw sa social media ang video ng isang panayam kay Lloyd sa programang Rated K.

Naging viral din ang litrato nila ni Emman Nimedez. Si Emman ay pumanaw na rin dahil sa kanyang sakit.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel