Michelle Dy, muling ipinakita ang huling regalo sa kanya ng malapit na kaibigan na si Lloyd Cadena

Michelle Dy, muling ipinakita ang huling regalo sa kanya ng malapit na kaibigan na si Lloyd Cadena

- Muling ibinahagi ni Michelle Dy ang huling regalo na ibinigay sa kanya ni Lloyd Cadena

- Isa si Michelle sa malalapit na kaibigan ng yumaong vlogger at madalas din siya nitong maisama sa ilang videos niya

- Labis ang paghihinagpis ng beauty vlogger sa biglaang pagpanaw ni Lloyd na maituturing niyang nag-iisang kaibigan na nakauunawa sa kanya

- Marami ang napaluha sa Instagram story ni Michelle kung saan makikita ang kalungkutan nito sa pagkamatay ni Lloyd Cadena

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Michelle Dy, muling ipinakita ang huling regalo sa kanya malapit na kaibigan na si Lloyd Cadena

Michelle Dy at Lloyd Cadena (Photo from Michelle Dy Instagram)
Source: Instagram

Ipinakita muli ng Beauty Guru na si Michelle Dy ang huling regalo na ibinigay sa kanya ng malapit na kaibigan na si Lloyd Cadena o kilala rin bilang si 'Kween LC.'

Biyernes, Setyembre 4 nang bumulaga ang balitang pumanaw na ang sikat na YouTube vlogger ng bansa na kinumpirma mismo ng isang post sa kanyang Facebook page.

Nalaman ng KAMI na marami ang nalungkot sa biglaang pagpanaw ng 26-anyos na matulunging komedyante at isa na rito ang malapit niyang kaibigan na si Michelle Dy.

Sa kanyang Instagram post nitong Sabado, binahagi niya ang larawan ng mamahaling Gucci bag na bigay sa kanya ng galanteng kaibigan.

Marso 8 ng kasalukuyang taon nang ipagdiwang ni Michelle ang kanyang kaarawan sa BGC at isa si 'Kween LC' sa mga dumalo.

Gumawa pa ang batikang YouTuber ng video tungkol sa kaarawan ng beauty guru at kaya nakita ang reaksyon ng kung gaano ito nasurpresa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ito na pala ang huling regalong matatanggap ni Michelle sa kanyang espesyal na kaibigan.

Nang malaman ang nakakalungkot na balita, di napigilan ni Michelle na maglabas ng saloobin sa kanyang Instagram story.

Makikita ang beauty vlogger na walang tigil ang pag-iyak at paghagulhol habang nagpapatugtog ng Mariah Carey songs na paborito ni Lloyd.

Nasabi rin niya sa post na isa lamang si Lloyd sa iilang tao na nakauunawa ng kanyang pagkatao kaya naman labis siyang nasaktan sa pagpanaw nito.

Sa di inaasahang pagyao ng isa sa pinakaunang YouTuber sa bansa, marami ang nagluksa, nalungkot at nanghinayang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang iniidolo niyang international singer na si Mariah Carey ay nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ng isa sa mga masusugid niyang fans.

Maging ang sikat na celebrity at host ng It's Showtime na si Vice Ganda ay nalungkot at nanghinayang at hindi niya naisakatuparan ang hiniling sa kanya ni Lloyd ngayong wala na ito.

Tunay na marami ang naantig ang puso sa kabutihan at kasiyahang dala ng mga vlogs ni Kween LC, Lloyd Cadena. Patunay lamang na sa 26 na taon niyang pamamalagi sa mundo, tila nagampanan naman na niya ang kanyang misyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel