Jake Ejercito, nagbigay ng paalala sa netizen na nagsabing tinago niya dati ang anak

Jake Ejercito, nagbigay ng paalala sa netizen na nagsabing tinago niya dati ang anak

- Sa Facebook post ni Jake Ejercito, ibinahagi niya ang isang video kung saan kasama niya ang anak na si Ellie Ejercito

- Isang netizen ang nagkomento at binanggit nito na dati ay tinago ni Jake ang anak at kani-kanino umano ni Jake pinapasa ang bata

- Dagdag pa ng nasabing netizen, ngayong malaki na si Ellie ay saka nito sinasabing pinagmamalaki niya ito

- Bilang tugon sa komentong ito, pinaalalahanan ni Jake ang netizen at sinabing manatili sa bahay, maghugas ng kamay, magsuot ng mask at mag-move on umano ito sa fake news

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Jake Ejercito ang komento ng isang netizen kaugnay sa kanyang pagiging ama sa anak na si Ellie Ejercito. Kamakailan ay ibinahagi ni Jake ang video kung saan kasama niya ang anak.

Jake Ejercito, nagbigay ng paalala sa netizen na nagsabing tinago niya dati ang anak
Jake Ejercito at Ellie Eigenmann Ejercito (@unoemilio)
Source: Instagram

Komento ng isang netizen, noong maliit pa ang bata ay tinago umano siya ni Jake at kung kani-kanino pinapasa. Dagdag pa niya ngayong malaki na si Ellie ay saka pinapakita ni Jake na proud siya sa kanyang anak.

Read also

Ogie Diaz, kinantiyawan si Xian Gaza kaugnay sa patutsada nito kay Rudy Baldwin

Simple lang ang naging tugon ni Jake sa nasabing netizen:

stay indoors, wash your hands, wear a mask, move on sa fake news
Jake Ejercito, nagbigay ng paalala sa netizen na nagsabing tinago niya dati ang anak
Screenshot from the comment section of Jake Ejercito's FB post
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez. SIya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Kasama siya sa seryeng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya.

Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon.

Read also

Lorin Guttierez, ipinakita ang kanyang sosyaling sneaker collection

Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel