Zeinab Harake, sinurpresa ang kanyang 'Baby Lucas' sa 4th birthday nito

Zeinab Harake, sinurpresa ang kanyang 'Baby Lucas' sa 4th birthday nito

- Sinurpresa ni Zeinab Harake ang kanyang panganay na anak na si Lucas sa 4th birthday nito

- Dahil sa bawal ang malakihang pagtitipon at bawal pang lumabas ang mga bata, simpleng selebrasyon muna ang kanyang inihanda

- Siniguro rin nito na naibigay niya ang lahat na hiling na laruan ng kanyang 'baby boy'

- Matatandaang naikwento ni Zeinab sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ang tungkol sa pag-ampon niya umano kay Lucas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Super excited na ibinahagi ni Zeinab Harake ang birthday surprise niya para sa panganay na anak niyang si Lucas.

Nalaman ng KAMI na mula sa pamimili at paghahanda hanggang sa mismong selebrasyon ni Lucas ay ipinakita ni Zeinab sa kanyang pinakabagong vlog ngayong Agosto 2.

Zeinab Harake, sinurpresa ang panganay na anak sa 4th birthday nito
Photo: Zeinab Harake (@zeinabharake)
Source: Instagram

At dahil ipinagbabawal pa ang malakihang pagtitipon, lalo na ang paglabas ng mga bata sa bahay, munting salo-salo muna ang inihanda ni Zeinab para kay Lucas at ang mga kasama nila sa kanilang tahanan.

Read also

Lola, nanawagan sa kanyang anak na sana daw ay tulungan siya

Upang maging masaya pa rin ang kanyang 'baby boy', ibinili ni Zeinab ang lahat na hiniling na laruan ni Lucas.

Makikita naman ang labis na kasiyahan ng bata nang ipakita na ng kanyang Mommy Zeinab ang mga surpresa.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Zeinab Harake YouTube Channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may 10.8 million YouTube subscribers.

Dalawang buwan na ang nakakaraan nang isilang ni Zeinab ang unang baby nila ng kanyang boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Matatandaang sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga noong Disyembre ng 2020, bukod sa pag-amin nitong siya ay nagdadalang-tao sa kanyang baby girl na si "Bia," naikwento rin niya ang tungkol sa kanyang adopted son na si Lucas.

Read also

Madam na 'di nagbayad umano sa food supplier, maaring madadagdagan pa ang kaso

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel