Marjorie Abastas, abot-abot ang pasasalamat sa hindi inasahang tulong

Marjorie Abastas, abot-abot ang pasasalamat sa hindi inasahang tulong

- Sa kabila ng kanyang pinagdaanan matapos ang viral niyang paniningil sa kanyang customer, umani ng simpatya si Marjorie Abastas

- Kabilang nga sa magandang nangyari sa kanya ay dumami ang mga customers na umorder sa kanyang food package

- Pinasalamatan din ni Marjorie ang isang taong tumulong sa kanya pagdating sa mga papeles para sa legalidad ng kanyang negosyo

- Si Marjorie ang food supplier na nag-viral kamakailan dahil sa pagtanggi ng kanyang customer na bayaran ang balanse nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi man naging maganda ang kanyang karanasan matapos ang kontrobersiyal na live video kung saan naningil siya sa isang costumer, marami sa mga netizen ang nakisimpatya sa food supplier na si Marjorie Abastas.

Marjorie Abastas, abot-abot ang pasasalamat sa hindi inasahang tulong
Food Supplier (Photo: Marjorie Alison)
Source: Facebook

Bukod dito ay lalong dumami ang orders sa kanya at ibinahagi niya ito sa social media.

Isa din sa kanyang pinasalamatan ay ang taong nagngangalang Charles Catipay na aniya ay tumulong sa kanya nang hindi niya inasahan.

Read also

Andrea Brillantes, hindi babaguhin ang sarili niya para sa ibang tao

Ayon naman kay Catipay, handa sila na tulungan si Marjorie sa mga papeles at legalidad ng kanyang negosyo.

Hi Mam Marjorie, I am very happy, as well my wife, to finally meet you last night. You all deserve mam the best things in this life. God is just watching up there and He has time for everything. Regards to you and all your family members mam. Stay strong as you always do. You have survived a lot and I know that these issues right now won't break you. Congratulations to you! The whole family of CPCPA Accounting & Bookkeeping Services is looking forward to take care the legalities, and compliances of your business. May God bless you more in life.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Read also

Lorin Guttierez, ipinakita ang kanyang sosyaling sneaker collection

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel