Misis ni dating VP Noli De Castro, pumanaw sa edad na 66
- Pumanaw na ang misis ni Noli De Castro na si Arlene Sinsuat De Castro sa edad na 66
- Kinumpirma ito ng anak nilang si Katherine De Castro sa kanyang social media post
- Si Arlene ay bahagi rin ng ABS-CBN kung saan naging executive producer ng iba't ibang news and current affair shows
- Taong 1990 nang maging Vice President siya ng Current Affairs Department of ABS-CBN
- "Kabuhayang Swak na Swak" ang isa sa pinakahuling programa nitong na-produce na pumatok sa mga Kapamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sumakabilang buhay na ang misis ng news anchor at dating Bise Presidente Noli De Castro na si Arlene Sinsuat- de Castro.
Nalaman ng KAMI na mismong ang anak nilang si Katherine de Castro ang nagkumpirma ng nakalulungkot na balita sa kanyang Facebook page.
"I feel so down. My head hurts and my tears never seem to stop... I love you mommy very much," ang bahagi ng post ni Katherine na general manager ng People's Television Network (PTV)
Ayon sa Inquirer, unang naging bahagi si Arlene ng MBS-4 (Maharlika Broadcasting System) noong 1981.
At nang matapos ang EDSA revolution noong 1986, executive producer na siya ng mga naglalakihang news and current affair program ng ABS-CBN.
Ilan sa mga ito ay ang "PEP Talk" ni Loren Legarda, "Good Morning Philippines" ni Merce Henares, at "Magandang Umaga Po" ng kanyang mister na si Noli de Castro, at Korina Sanchez.
Taong 1990 nang magi siyang Vice President of the Current Affairs Department of ABS-CBN na siyang nasa likod ng matatagumpay na progrmang “Magandang Gabi Bayan (MGB),” “Assignment,” “Pipol,” at “Dong Puno Live.”
Isa sa pinakuhuling programa na kanyang na-produce ay ang "Kabuhayan Swak na Swak" na pumatok din sa publiko.
Samantala, hindi nabanggit ni Katherine ang dahilan ng pagkamatay ng ina sa edad na 66.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Manuel Leuterio de Castro o mas kilala bilang si 'Kabayan' Noli De Castro ay isa sa mga batikang news anchor sa bansa. Naging Senate President siya noong 2001 bago nahalala bilang ika-12 na Bise Presidente ng Pilipinas mula 2004 hanggang 2010.
Noong nakaraang taon, nag-viral ang emosyonal na speech ni Noli sa TV Patrol sa pamamaalam nito sa publiko dahil sa hindi na pinahintulutang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Isa rin si Noli sa mga nanatiling 'Kapamilya' sa kabila ng matinding pagsubok ng ABS-CBN. Gayunpaman, patuloy na naipalalabas ang TV Patrol at iba pang mga programa ng nasabing network.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh