Ganiel Krishnan, walang arteng sinuong ang baha para lang makatulong

Ganiel Krishnan, walang arteng sinuong ang baha para lang makatulong

- Marami sa mga kababayan ng beauty queen at dating showbiz reporter na si Ganiel Krishnan ang nagpahayag ng paghanga sa kanilang pambato para sa Miss World Philippines

- Bunsod ng malakas na pag-ulan dala ng bagyo at hanging habagat, marami sa mga lugar sa Kamaynilaan ang binaha

- Sa mga ibinahaging litrato ni Ganiel, hindi siya nangiming lumusong sa baha para tumulong sa isang babae

- Nagbahagi siya ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng pagtulong sa kapwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng mga papuri at paghanga ang dating showbiz news reporter at beauty queen na si Ganiel Krishnan matapos niyang ibahagi ang isang litrato kung saan nakalusong siya sa tubig baha. Kalakip nito ay ang kanyang mensahe kaugnay sa kahalagahan ng pagtulong sa kapwa.

Nitong mga nakaraang araw ay ilang mga lugar ang nakaranas ng pagbaha kabilang na ang Kawit, Cavite.

Read also

Kisses Delavin, may pa-sample ng kanyang pagrampa para sa MUP 2021

Ganiel Krishnan, walang arteng sinuong ang baha para lang makatulong
Photo from Ganiel Krishnan (@ganielkrish)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Ganiel ang kanyang mensahe para sa lahat.

Some words to ponder on especially at these trying times: “Helping one person might not change the whole world, but it could change the world for one person”

Marami naman sa kanyang mga kababayan ang lalong humanga sa kanya.

Kaya love ka namin mga taga Kawit eh! Twas nice meeting you sa municipyo Godbless!
Yan ang tunay na reyna, She knows how to act for her people and she is humble to live the life they are experiencing.
A helpful queen us what we need

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ganiel Krishnan ay naging kinatawan ng bansa sa 2016 Miss Asia Pacific International pageant kung saan nanalo siya bilang 2nd runner-up. Nakilala siya bilang Star Patroller sa ABS-CBN News program na TV Patrol.

Read also

Pagiging malapit ni Gerald Anderson sa bunsong kapatid ni Julia Barretto, kinaaliwan

Ilan sa mga artistang naging guest Star Patroller ay sina Yen Santos at Cristine Reyes.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate