Pagiging malapit ni Gerald Anderson sa bunsong kapatid ni Julia Barretto, kinaaliwan

Pagiging malapit ni Gerald Anderson sa bunsong kapatid ni Julia Barretto, kinaaliwan

- Ibinahagi ni Julia Barretto sa kanyang YouTube channel ang ilan pang kaganapan sa pamamasyal nila ng kanyang pamilya sa Baguio

- Kasama din nila ang kanyang boyfriend na si Gerlad Anderson na kapansin-pansin ang pagiging malapit sa pamilya ng aktres

- Isa sa kinaaliwan ng mga JuRald fans ay ang pagiging malapit ni Gerald sa bunsong kapatid ni Julia na si Erich

- Sa katunayan ay nag-share pa sila sa kinakain nilang ice cream at nakikipagbiruan din si Erich sa aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami sa mga netizens ang nakapansin sa closeness ni Gerald Anderson sa mga kapatid ni Julia Barretto. Maging ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto ay nakakausap din ng aktor.

Pagiging malapit ni Gerald Anderson sa bunsong kapatid ni Julia Barretto, kinaaliwan
Gerald Anderson and Julia Barretto (juliabarretto)
Source: Instagram

Sa isang bahagi ng video ay makikitang nag-share pa sina Gerald at bunsong kapatid ni Julia na si Erich sa kinakain nitong ice cream. Kinagiliwan ng mga fans ng dalawa ang pagiging komportable ng mga kapatid ni Julia na makipagbiruan kay Gerald.

Read also

Ganiel Krishnan, walang arteng sinuong ang baha para lang makatulong

Narito ang ilan sa mga reaksisyon ng kanilang mga tagahanga:

It really makes a huge difference when your partner is accepted by your family.
Her personality and resilience is the kind I want to have and develop in this cruel, social media-driven world. She looks happy and enjoying her time with family and friends, which is a very good way to have a a quality life. I liked her ever since the rumors about her started spreading and saw how she could defend herself..
The more na may bashers ang jurald the more that makes them stronger couple at d cla affected go with the flow lng cla good vibes lagi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay.

Read also

Pagtawag ni Bea Alonzo ng "hon" kay Dominic Roque, kinakiligan ng BeaDom fans

Gayunpaman, nagkahiwalay sila at na link sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Kamakailan ay nagbahagi din ng kanyang pahayag si Bea tungkol sa naging relasyon nila ni Gerald sa isang panayam kay G3 San Diego.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel